เข้าสู่ระบบARIF FULGENCIO POV Matapos kumain ng triplets, ako mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Maingat kong inilagay sa isang paper bag ang mga paper box, plastic spoon, plastic fork, maging ang mga tissue na ginamit nila. Hindi iyon simpleng basura dahil para sa akin...maaaring iyon na ang susi upang tuluyan kong malaman ang katotohanan. Kung tama ang kutob ko...pagkatapos ng araw na ito, maaaring masasagot na lahat ng mga tanong sa isipan ko. At maaaring matuldukan na din ang matagal ko nang paghahanap. "Thank you ulit, Uncle." nakangiting sabi ni Oceana habang kumakaway. Tumango rin sina Blaze at Skyler. "You're welcome." bahagya akong ngumiti. "See you around?" Sabay-sabay silang tumango. At sa simpleng pagtango nilang iyon... pakiramdam ko ay nanalo na ako sa unang laban. Tumalikod na ako at dahan-dahang lumabas ng classroom. Paglabas ko pa lang ay agad kong nakita si Giovann na matiyagang naghihintay sa hallway. Hindi na ako nagsayang ng oras. Iniabot ko aga
ARIF FULGENCIO POV Uncle. Tinawag niya akong Uncle. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Hindi ko inaasahan na sa simpleng salitang iyon ay para bang may kung anong unti-unting natutunaw sa matagal nang nagyeyelong bahagi ng puso ko. Mukhang hindi nasayang ang pagpunta ko rito. Hindi rin nasayang ang maliit na effort na ginawa ko para sa kanila. Kahit papaano... unti-unti na yatang lumalambot ang loob nila sa akin. At isa pa...sa wakas ay naliwanagan na rin ako. Ang batang laging nakakunot ang noo at parang may kaaway sa buong mundo ay si Blaze. Samantalang ang palangiti, madaldal, at mas madaling pakisamahan ay si Skyler. Finally. hindi na ako mapapahiya sa pagtawag sa maling pangalan. "Okay... fine." napabuntong-hiningang sabi ni Blaze. "Thank you sa food, Uncle." Bahagya pa siyang yumuko bilang pasasalamat bago binuksan ang food box niya. Napangiti ako. Kahit sa paraan niya ng pagpapasalamat, ramdam kong hindi siya sanay magpakita ng emosyon. Parang may pader na
ARIF FULGENCIO "Kids, ito ang para sa inyo." nakangiti kong wika habang inilalapag sa ibabaw ng mesa ang mga paper bag na dala ko. Talagang nag-effort ako para rito. Kanina pa ako nagpa-order ng iba't ibang pagkain na alam kong magugustuhan ng mga bata dito sa loob ng classroom. Hindi naman sa gusto kong magpasikat. Ang totoo, naghahanap lang ako ng dahilan para manatili pa nang mas matagal sa loob ng classroom. Kahit ilang minuto lang. Gusto kong mapagmasdan ng mas matagal pa ang mga batang ito. Dumating na rin si Mr. Guzman. Sandali kaming nag-usap kanina tungkol sa pagbili ko ng paaralan. Naipaalam ko na rin sa kanya ang desisyon ko. Kasalukuyan nang inaayos ng mga abogado ang lahat ng dokumentong kailangan naming pirmahan. Kaya ilang araw na lang, magiging opisyal na ang lahat. Akin na ang iskwelahan na ito at marami akong planong gawin. Gusto kong i-upgrade ang education system sa iskwelahan na ito. Gusto ko ding magdagdag ng mas maraming building at maghire ng mga d
ARIF FULGENCIO POV KINABUKASAN MAAGA pa lang, gising na ako. may pupuntahan kami ngayung araw. Iyun ay ang iskwelahan kung saan pumapasok ang mga anak ni Mikyla del Rosario Ewan ko ba, simula noong nakita ko ang mga batang iyun, iba na ang kutob ko. Hindi ko lang mawari kung ano...lalo na at para sa akin ang kanilang Ina ay isa pa ring istranghero. Naligo lang ako at kaagad na kaming bumiyahe patungo sa Iskwelahan kung saan pumapasok ang triplets. Halos isang oras din kaming matiyagang naghintay bago namin namataan ang pagdating ng sasakyan ni Mikyla del Rosario "Kung ganoon, siya nag personal na naghahantid sa mga anak niya?" seryosong tanong ko kay Giovann "Yes, Boss." sagot naman ni Giovann Tumango lang ako at muling napako ang paningin ko sa dalawang batang lalaki. At habang tinititigan ko sila, parang may kung anong magnet na humihila sa akin Gusto ko silang hawakan. Gusto ko silang makausap.. Gusto ko ding malaman kung sino ang ama nila. Hinintay lang namin na
ARIF FULGENCIO POV "MR FULGENCIO, kung wala ka nang sasabihin, ibaba ko na ito. Good bye!" narinig kong wika ni Mikyla del Rosario mula sa kabilang linya at pagaktapos noon, tuluyan na nitong idinsconnect ang tawag. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi "Ibang klaseng babae! Parehong pareho talaga sila ng ugali ng Mikyla na alam ko. Kung hindi lang sa mukha, baka isipin kong ikaw talaga siya!" Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, feeling ko, kausap ko lang talaga si MIkyla. Ang mga mata niya...ganoon na ganoon din. "Mikyla, hangang kailan mo ako pahihirapan na hanapin ka. Bumalik ka na sa akin. Tama na ang pagpaparusa. Walong taon na kitang hinahanap at kahit kailan, hindi ko matangap sa sarili ko na hindi na kita makikita." mahina kong muling bulong At nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot nang makita kong si Giovann ang tumatawag. "Yes?" seryosong sagot ko "Boss, may nakuha po akong impormasyon tungkol kay Mrs.
MIKYLA POV "ANAK, ikaw na muna ang bahala sa mga apo ko ha? Gusto ko sanang samahan ka sa paghatid sa kanila sa School kaya lang may importanteng kliyente na naghihintay sa akin sa South Luzon branch natin." wika ni Mama Amor sa akin Halatang nagmamadali siya kaya nakangiti ko naman siyang nilapitan "Don't worry po, Ma. Ako po ang bahala! At bigyan niyo lang po ako ng isang buwan pa...ako na po ang magmamanage sa lahat ng branch para makapagpahinga na din po kayo." nakangiting sagot ko "Naku, ikaw talagang bata ka. Sige, pero aasahan ko din iyan ha? One month and retired na ako sa trabahong ito at gusto ko na lang na alagaan ang mga apo ko." nakangiting sagot niya. Kaagad din naman akong tumango "Opo...at mag-ingat po kayo, Ma." sagot ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at tuluyan na siyang sumakay ng kotse Wala namang ikabahala kahit na medyo malayo ang pupuntahan ni Mama dahil may driver siya. May dalawa din siyang mga bodyguard. "Ako naman, sumakay na din ng kotse. Nag
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s







