ホーム / Romance / Mistakenly Yours, Boss / Chapter 47: The Enemy Within

共有

Chapter 47: The Enemy Within

last update 公開日: 2026-05-27 09:04:09

Third Person POV

Hindi naging madali para kay Chloe ang muling pagkatiwalaan si Leo.

Kahit bumalik na ang alaala nito, nananatili pa rin sa puso niya ang mga sugat na iniwan ng mga panahong itinulak siya palayo ng lalaking minsan niyang tinawag na tahanan.

Ngunit sa bawat araw na lumilipas, pilit iyong binubura ni Leo.

Siya mismo ang naghahanda ng pagkain ni Chloe tuwing umaga. Siya rin ang nag-aalaga sa sugat nito at halos ayaw na itong hayaang mapag-isa kahit isang minuto.

At sa unang pagkaka
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 48: A Love Worth Fighting For

    Leo’s POVTahimik ang buong penthouse. Tanging mahinang tunog lang ng ulan sa labas ang pumupuno sa pagitan naming dalawa ni Chloe habang magkatapat kaming nakaupo sa nursery room.Ang silid na minsan naming pinangarap punuin ng tawanan ng anak namin ay ngayon nababalot ng takot, trauma, at mga sikretong unti-unting sumisira sa amin.Tahimik lang si Chloe habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Samantalang ako… pakiramdam ko unti-unti na akong nauubusan ng pagkakataong ayusin ang lahat.“Chloe…” mahina kong tawag.Hindi siya agad tumingin. At sa simpleng pag-iwas niya ng tingin, parang may mabigat na kamay na sumakal sa dibdib ko.Hindi ko siya masisisi. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan nang paulit-ulit. Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumuhod sa harapan niya.Nagulat siya.“Leo… anong ginagawa mo?”Pero hindi ako sumagot agad. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, wala akong pakialam sa pride ko. Wala akong pakialam kung gaano ako kahina sa harapan niya.Dahil kung may

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 47: The Enemy Within

    Third Person POVHindi naging madali para kay Chloe ang muling pagkatiwalaan si Leo.Kahit bumalik na ang alaala nito, nananatili pa rin sa puso niya ang mga sugat na iniwan ng mga panahong itinulak siya palayo ng lalaking minsan niyang tinawag na tahanan.Ngunit sa bawat araw na lumilipas, pilit iyong binubura ni Leo.Siya mismo ang naghahanda ng pagkain ni Chloe tuwing umaga. Siya rin ang nag-aalaga sa sugat nito at halos ayaw na itong hayaang mapag-isa kahit isang minuto.At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming sakit— unti-unting bumabalik ang dating Leo na minahal ni Chloe.“Hindi mo kailangang sumunod sa’kin kahit saan,” mahinang sabi ni Chloe habang naglalakad sila sa hardin ng penthouse.Mahigpit na hawak ni Leo ang kanyang kamay.“Kailangan,” diretso nitong sagot. “Hindi ako kampante.”Napatingin si Chloe sa kanya.At doon niya muling nakita ang lalaking handang sirain ang mundo para lang protektahan siya.Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib niya. Lalo na ma

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 46: The Truth Behind the Fall

    Leo’s POVHindi ko na maalala kung kailan ako huling nakaramdam ng ganitong klaseng takot. Hindi takot sa negosyo. Hindi takot sa kalaban. Kundi takot na tuluyan kong mawala ang babaeng pinakamahal ko.Tahimik ang buong penthouse habang maingat kong nilalagyan ng ointment ang paso sa binti ni Chloe. Nakaupo siya sa gilid ng kama, balot ng manipis na kumot habang pilit iniiwas ang tingin sa akin.At bawat marka sa balat niya ay parang apoy na sumusunog sa konsensya ko.Hindi siya umiimik. Hindi rin siya tumitingin sa akin. At mas masakit iyon kaysa sa kahit anong sigaw.“Masakit pa ba?” mahina kong tanong habang dahan-dahang binabalutan ang sugat niya.Bahagya siyang napailing. Pero alam kong hindi lang paso ang masakit sa kanya.Ako.Ako ang tunay na dahilan kung bakit siya unti-unting nasisira. Napapikit ako sandali habang mariing hawak ang bulak sa kamay ko.“Chloe…” paos kong tawag. “Patawarin mo ako.”Tahimik lang siya. Tanging tunog ng ulan sa labas ang naririnig sa pagitan namin

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 45: The Ignition of Jealousy

    Leo’s POV Nanatili pa rin sa isip ko ang lambot ng mga labi ni Chloe at ang pamilyar na bango ng kanyang balat kagabi. Habang nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa opisina ko, hindi ko namalayang nahawakan ko ang sarili kong labi. Ang halik na ibinigay ko sa kanya sa madilim na kusina ay hindi simpleng pagkakamali. Isa iyong matinding pagrerebelde ng puso ko laban sa isip kong pilit siyang kinakalimutan. Kahit burado ang mga alaala ko tungkol sa kanya, bawat tibok ng puso ko ay tila sumisigaw ng iisang bagay— si Chloe ang tahanan ko. At ang recording na natanggap ko kahapon? Iyon ang tuluyang sumira sa natitira kong tiwala kay Sophia. Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang malamig niyang boses habang inuutos ang pagkamatay ng ina ni Chloe. At sa bawat paggunita ko roon, lalo lang lumalaki ang galit sa loob ko. “Leo, babe? Hindi mo ba gagamitin ‘yung kurbatang binili ko?” Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Sophia sa opisina habang may hawak na mamahaling silk ti

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 44: Hidden Desires

    Chloe’s POV Hindi ko na naramdaman ang sakit ng muntik kong pagbangga sa glass table. Sa halip, ang una kong namalayan pagdilat ko ay ang matitigas ngunit nanginginig na mga braso ni Leo na mahigpit na nakapulupot sa akin. Kitang-kita ko ang takot na dumaan sa kanyang mga mata bago niya agad itinago iyon sa likod ng malamig niyang ekspresyon at marahan akong binitawan. “Ayusin mo ang pagkilos mo, Chloe,” malamig niyang sabi bago mabilis na tumalikod. Pero bago siya tuluyang makapasok sa opisina niya, nasilayan ko ang mabilis niyang pagpunas sa pawis sa noo niya. At doon ko lalong natiyak…may unti-unting nagbabago kay Leo. Ang tensyong nabuo sa pagitan namin sa opisina, ang muntik niyang paghalik sa akin habang nakasandal ako sa pader, at ang desperado niyang pagsalo sa akin kanina ay malinaw na mga bitak sa makapal na yelong bumabalot sa kanyang alaala. ________ Kinabukasan, may dumating na malaking itim na package sa penthouse na nakapangalan kay Leo. Dahil bawal nang lumapi

  • Mistakenly Yours, Boss   Chapter 43: The Cracks Beneath the Ice

    Leo’s POV “Ilang asukal ang nilagay mo rito?” Malamig at mabigat ang boses ko habang nakatitig sa tasang maingat na inilapag ni Chloe sa mesa ko. Nasa home office ako noon, napapalibutan ng tambak na papeles ng Vanguard Group. Tahimik siyang pumasok, suot ang simpleng puting t-shirt at maluwag na pantalon na lalong naglantad sa kanyang pamumutla. “Isang kutsara lang, Leo… katulad ng dati mong gusto,” mahina niyang sagot habang nakayuko. Biglang kumirot ang sentido ko. Isang kutsara. Sa tuwing binabanggit niya ang mga bagay tungkol sa akin, may kakaibang pamilyaridad na sumasabog sa loob ng utak ko—parang may nakatagong alaala na pilit kumakawala. “Huwag kang magsalita na parang kilalang-kilala mo ako, Chloe,” malamig kong saad habang pilit kinokontrol ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko, paatras naman siya hanggang sa sumandal ang likod niya sa malamig na pader ng opisina. Ikinulong ko siya sa pagitan ng aking mga

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status