“Kuya…,” mahinang tawag ni Jenesis, halos mawala na ang boses niya habang patuloy na hinahalikan ni Raoul ang kanyang leeg nang mainit at madiin.Ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat, dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.Dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Raoul, nag-iiwan ng marka sa kanyang leeg hanggang sa kanyang dibdib. Mabilis na nabuksan ng mga kamay nito ang mga botones ng kanyang blazer at polo, na para bang wala siyang pagkakataong tumanggi.“Kuya, baka may makarinig sa atin,” putol ni Jenesis, pilit na pinapanatili ang natitirang bait niya. “Ano na lang ang sasabihin nila? Boss at empleyado, magbayaw pa.”Pero parang hindi nakikinig si Raoul. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa, na tila gusto niyang patunayan ang isang bagay na matagal nang nakatago.Nagsimula nang makita ang mga pulang marka sa balat ni Jenesis, dahilan para magulat ang babae at itulak ang dibdib ni Raoul gamit ang dalawang kamay.“Kuya… please, tumigil ka na,” paki
Magbasa pa