“I need to talk to Raoul today,” wika ni Daniel nang umagang iyon, mahinahon pero puno ng determinasyon. “I have all the evidence of Silas’s crimes. Maybe this is the way para maipagpalit ko sila kay Gianna.”Mabilis na tumango si Paul. “Yes, Sir. I’ll contact his assistant, Argus, right away.”Hindi na naghintay ng sagot, tumalikod si Paul at lumabas ng opisina ni Daniel para tumawag sa Rodriguez Corporation.Samantala, ibinaba ni Daniel ang tingin sa screen ng kanyang phone. Binuksan niya ang kanyang gallery, kung saan maayos na nakatago ang mga litrato ng isang batang babaeng naka-school uniform.Mga litratong palihim niyang kinunan, mula sa malayo, dahil hindi niya magawang lumapit.“Wait for Papa, anak,” bulong niya nang mahina. “Kahit na hindi pa ako handang makita ang reaction mo kapag nalaman mong ako ang tunay mong tatay.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.“Raoul can help,” dagdag ni Daniel nang dahan-dahan. “He needs to explain everything to Gianna. Yngrid also
Magbasa pa