“P-pero, Kuya... masyado namang mabilis 'yun,” mahinang sabi ni Jenesis. “Paano kung maghinala sila na anak mo ang dinadala ko? At... hindi rin ako kampante sa pakiramdam ko kay Ate Yngrid at sa ibang pamilya.”Huminga siya nang malalim, saka nagpatuloy sa boses na puno ng pag-iingat.“Ano na lang ang sasabihin nila, Kuya? Paano kung mababa ang tingin nila sa akin dahil nakipagrelasyon ako sa bayaw ko?”Matagal siyang tinitigan ni Raoul, matalas ang mga mata nito pero kalmado, bago siya nagsalita.“So, what do you want to happen?”“Em...” kinagat ni Jenesis ang kanyang labi. “Isang buwan pagkatapos ng official na paghihiwalay niyo ni Ate Yngrid, okay ba? Pagkatapos noon, pwede mo nang bigyan ng go signal si Caizer.”“One month?” umiling si Raoul. “That’s too long for me.”Malamig ang tono ng boses nito, walang alinlangan.“The best way is right after my divorce, everything should continue immediately.”“Pero... ”“And about our marriage,” putol agad ni Raoul, “we can do it on
Magbasa pa