“Ang mga manika, mga laruan, study table, at study lamp... naayos na ba ang lahat sa pwesto?” tanong ni Daniel sa isa sa mga katulong na inutusan niyang mag-ayos ng bagong kwarto ni Gianna.“Opo, Sir. Maayos ko na pong naayos ang lahat, kumpleto po ayon sa request niyo,” magalang na sagot ng katulong.Tumango nang bahagya si Daniel. “Good. You can go,” sabi niya bago humakbang papasok sa kwarto.Tumigil siya sa may pintuan, pinagmamasdan nang maigi ang buong silid. Hindi niya alam kung kailan talaga titira si Gianna rito, pero gusto niyang maging handa ang lahat.“Sana magustuhan mo ang room na ’to,” mahinang bulong niya, na parang kinakausap ang kanyang anak.Ang mga dingding ng kwarto ay napuno ng mga disenyo ng princess at pony, na may kulay pink na nagdodomina sa buong kwarto. Lahat ay mukhang malambot, matamis, at talagang pambata.Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Daniel bilang pagngiti ng kasiyahan.“So this is how it feels pala, preparing a room for your own child,”
Magbasa pa