“Bakit hindi mo muna ako tinawagan bago ka pumunta rito?” matalim na tanong ni Duke nang tuluyang magsara ang pinto ng kanyang office sa likuran nila.Hindi agad sumagot si Jude. Sa halip, kaswal siyang sumandal sa gilid ng mesa habang may bahagyang ngisi sa kanyang mga labi.“Your wife,” sabi niya nang magaan pero may halong pang-iinis, “why did she react that way? Para bang hindi rin naman siya nagkakamali.”Matalim siyang tinitigan ni Duke.“Parang nakalimutan na niya,” patuloy ni Jude, mas malamig na ang tono, “...na dati, siya rin ang pumasok sa buhay ni Caizer nang hindi niya dapat ginawa. Niloko ka niya. Pero ngayon, kung umasta siya, parang siya na ang pinaka-moral na tao sa mundo.”“Sagutin mo muna ang tanong ko, Jude,” putol ni Duke. Kalmado ang boses niya pero lalong tumigas ang tono. “Why didn’t you tell me you were coming?”“Because I don’t ask for permission before I come here,” walang pag-aalinlangang sagot ni Jude. “Ganoon naman ako palagi. Basta na lang ako pumup
Leer más