“Mommy, kumain muna kayo bago uminom ng gamot,” malumanay na sabi ni Rheana mula sa may pintuan. Maliit ang mga hakbang niya habang papalapit sa kama.Sa likod niya, sumunod si Raoul na may dalang tray na naglalaman ng hapunan, gamot, at isang basong tubig.Umupo si Raoul sa gilid ng kama. Umakyat naman si Rheana at umupo sa tabi ng kanyang ina, habang si Jenesis ay bahagyang nakasandal sa headboard, balot pa rin ng makapal na kumot.“Thank you, anak. Salamat din, Kuya Raoul,” mahina at matamis na sabi ni Jenesis. Kahit maputla pa rin ang mukha niya, may maliit na ngiti sa kanyang labi.“I’ll feed you,” malumanay na sabi ni Raoul.Sumandok siya ng kanin at ulam bago marahang inilapit ang kutsara sa bibig ng kanyang asawa.Dahan-dahang ibinuka ni Jenesis ang bibig at tinanggap ang pagkain nang walang reklamo.Samantala, seryosong nakatingin si Rheana sa kanyang ina. Bahagyang nagkunot ang maliliit niyang kilay habang pinagmamasdan si Jenesis.“Dapat ubusin ni Mommy,” mahigpit ni
Baca selengkapnya