“Good evening, everyone,” wika ni Raoul nang may malambot ngunit seryosong tono. “Matulog kayo nang mahimbing. Walang pasok bukas, pero maaga pa rin kayong matulog, okay?”“Pero Daddy, eight o’clock pa lang naman,” reklamo ni Riven habang tinitingnan ang wall clock.Tumango si Raoul nang kalmado. “I know. It's okay to sleep.”“Hindi pa ako inaantok, Dad,” mabilis na sabi ni Rayan.Si Rheana naman ay napabuntong-hininga sabay hikab nang malaki, at medyo nakapikit na ang mga mata. “Inaantok na si Rheana. Kaninang tanghali kasi hindi ako natulog, tapos sa hospital pa kami hanggang hapon.”Ngumiti nang bahagya si Raoul, saka binuhat ang anak na babae. “Kung ganoon, ihahatid ka na ni Daddy sa kuwarto mo.”Sumandal si Rheana sa balikat ng kanyang ama, at nagsalita nang mahina, “Gusto kong matulog kasama sina Daddy at Mommy.”Sandaling tumigil sa paglakad si Raoul. Yumuko siya at tiningnan ang mukha ng bata habang may maliit na ngiti. “Hindi, Anak. Sa sarili mong kuwarto ka matulog, ok
Leer más