“Anong tingin mo sa design ng bahay na ’to, mahal?” tanong ni Raoul habang inaabot kay Jenesis ang iPad na hawak niya. Sa screen ay makikita ang disenyo ng isang bahay mula sa kilalang architect. Malaki, maluwag, at elegante ang buong bahay.Saglit na sumulyap si Jenesis sa screen, pero hindi niya agad kinuha ang iPad. Sa halip, tiningnan niya ang asawa nang may pag-aalinlangan.“Kuya, seryoso ka bang magpapatayo ng ganito kalaking bahay? Mansion na ’to, ah.”“Of course,” kumpiyansang sagot ni Raoul.Marahang napabuntong-hininga si Jenesis.“Para sa akin, okay na rin naman yung bahay natin ngayon. Maluwag naman. Malaya ring nakakapaglaro ang mga bata.”Sumandal si Raoul sa sofa. “But when they grow up, they’ll need more space too, mahal. They’ll need their own space and privacy.”“Oo, pero darating din yung time na mag-aasawa sila at magkakaroon ng sarili nilang bahay,” mahinahong sagot ni Jenesis. “At sa huli, tayong dalawa na naman ang matitira rito.”Saglit na natahimik si R
Leer más