“Sorry, Brian. Hindi ako nakapagbigay ng notice agad na kailangan munang i-pause ang tutoring ng mga bata. Nagluluksa pa kasi kami,” mahinahong sabi ni Jenesis. Mainit pa rin ang ngiti niya kahit may pagod na nakatago sa kanyang mga mata.Sandaling natahimik si Brian, bahagyang nagulat, bago agad magalang na tumango.“It’s okay, Madam,” sagot niya habang saglit na sumisilip sa loob ng mansion na mas tahimik kaysa dati. “Mga kailan po kaya ako pwedeng mag-start ulit magturo?”“Pagkatapos ng pitong araw mula nang mawala si Raeden,” mahinang sagot ni Jenesis, nananatiling kalmado ang boses.“Yes, Madam. If that’s the case, I’ll take my leave na po,” sabi ni Brian habang magalang na yumuyuko.“Oo. Ingat ka sa daan, ha.”Bahagyang ngumiti si Jenesis bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.Ilang segundo pang nanatili si Brian sa kinatatayuan niya. May kakaiba siyang paghanga na hindi niya maipaliwanag.Sa kabila ng ganoon kalaking pagkawala, nagagawa pa rin ng babae na tumayo nan
Read more