“Kuya, kailan kaya lalabas sa tiyan ni Tita Iris ang baby ni Ate Bernice?” inosenteng tanong ni Rheana, kumikislap ang mga mata sa sobrang curiosity.Nang hapong iyon, magkakasama ang tatlong magkakapatid sa kuwarto ni Riven. Nasa isang sulok na ng mesa ang kanilang mga libro dahil tapos na ang kanilang tutoring at oras na para magpahinga.“Hindi ko alam, bunso,” sagot ni Riven habang nakasandal sa headboard ng kama. “Maybe later, kapag magse-second grade na tayo. Parang kay Mommy noon, ’di ba? Nanganak siya noong nagsisimula na tayong pumasok sa elementary.”“Ah, oo nga,” sang-ayon ni Rheana habang paulit-ulit na tumatango, na para bang iniisip na niya kung kailan nga kaya iyon mangyayari.Matagal na tahimik si Rayan, pero sa wakas ay nagsalita rin siya.“Kung baby ni Bernice, ibig sabihin baby din natin siya, Kuya?”Bahagyang ngumiti si Riven at tumango.“Oo. Baby natin siya. Sinabi rin ni Daddy noon, ’di ba? Kapag ipinanganak si baby Raeden, magiging baby rin siya ni Bernice.
Read more