“Pupunta tayo sa bahay ni Bernice today, ha,” malumanay na aya ni Jenesis sa tatlo niyang anak. “Para hindi kayo laging nasa bahay at ma-bored.”Agad namang sabay-sabay na tumango ang tatlo.“Come on, Mom! Itutuloy namin ni Bernice yung laro namin kahapon sa school. Ang tagal pa kasi bago mag-Monday,” masayang sabi ni Rayan.Napangiti nang bahagya si Jenesis. Kahit sandali, nakaramdam siya ng gaan sa puso dahil sa excitement ng mga anak niya.“Kung gano’n, let’s go.”Hindi nagtagal, umalis na silang apat sa bahay.Tahimik na umaandar ang sasakyan sa mga kalsadang hindi gaanong matao. Sa backseat, paminsan-minsan ay maririnig ang maliliit na tawanan ng tatlong bata habang pinag-uusapan nila ang laro nila, mga kuwento tungkol sa school, at ang mga plano nila ngayong araw.Samantala, tahimik lang si Jenesis sa front seat.Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa labas ng bintana. Pero kahit nakatingin siya sa kalsada, wala roon ang isip niya.Nananatili pa rin ito sa ibang lugar. Sa
続きを読む