LOGINPagpasok ni Aldous sa loob ng villa, agad niyang nakita si Karolina na pababa ng hagdan. Basa pa ang buhok nito mula sa pagligo."Who were you talking to?"Napahinto siya. Damn. Masyadong matalino ang babaeng ito."Wala."Tumaas agad ang isang kilay ni Karolina. "That's a lie."Napabuntong-hininga si Aldous. "Okay. Maybe a small lie.""Aldous."Tahimik siyang tinitigan nito. At sa loob ng ilang segundo, alam niyang wala siyang takas."Si Alejandro."Nanigas si Karolina. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya."What did he say?"Hindi agad sumagot si Aldous. At doon na siya kinabahan."Aldous.""He found us."Namutla si Karolina. "What?""He knows about the plan. Alam niya ang lahat, our locations, everything." Halos pigil ni Aldous ang inis habang nagsasalita. "At bakit hindi mo sinabi sa’kin na may tracking chip ka? Sana natanggal natin ‘yon bago pa tayo umalis.”Natahimik si Karolina. Hindi niya alam kung ano ang isasagot, lalo na’t pati siya ay tila nakalimot na may track
Pagdating nila sa villa ni Silas, halos alas-dose na ng gabi. Pagod na pagod na si Karolina. Pero hindi pa rin siya makatulog. Nasa sala silang lahat nang tumunog ang cellphone ni Silas. Agad itong tumayo at lumayo ng kaunti para sagutin ang tawag. Ilang minuto rin itong nakikinig bago bumalik. At nang makita ni Karolina ang ekspresyon nito, agad siyang kinabahan. "What happened?" Tahimik si Silas. "Roman called." Tumayo agad siya. "Anong nangyari sa anak ko?" Huminga nang malalim si Silas. "He couldn't get him." Parang may humigpit sa dibdib niya. "What?" "He got inside the hospital. Nakita niya ang anak mo." Nanlaki ang mga mata ni Karolina. "Then why didn't he take him?" Tahimik ang buong sala. Si Tobias ang unang umiwas ng tingin. Si Aldous naman ay napamura nang mahina. At doon siya lalo kinabahan. "Tell me." Mabigat na napabuntong-hininga si Silas. "He can't be moved." Napatitig siya rito. "What do you mean?" "Diba may cancer ang anak mo?" Parang naw
Nagising si Alejandro dahil sa isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Something felt wrong. Hindi niya agad namalayan kung ano iyon. Nakatingin lang siya sa kisame habang unti-unting bumabalik ang kanyang ulirat. Tahimik ang kwarto. Masyadong tahimik.Instinctively, iniunat niya ang kanyang kamay sa kabilang bahagi ng kama. Empty iyon.Napatigil siya. Dahan-dahan siyang napabangon at muling hinawakan ang kumot sa tabi niya. Malamig iyon, hindi ‘yong kakabangon lang na malamig. It is hours ago cold.Agad siyang napalingon. "Karolina?"Walang sumagot. Bahagyang kumunot ang kanyang noo."Karolina."Mas malakas ngayon. Still nothing. Tumayo siya agad at sinilip ang banyo, pero wala ito. Kaya pumunta siya sa balcony, pero wala din. Mabilis siyang dumaan sa walk-in closet nila at doon siya tuluyang napatigil.May mga damit pa rin si Karolina. Pero may nawawala. Enough to notice. Enough to understand.A knot formed in his stomach. "No." Mababa ang boses niya. Hindi pa rin siya gumagala
Hindi makatulog si Karolina. Nakatingin lang siya sa kisame ng kwarto, habang paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang lahat ng nalaman niya.Lahat.Parang may bahagi sa kanya na gustong magalit. Gustong sumigaw. Gustong magwala dahil ginawa siyang pawn sa isang laro na hindi niya naman alam na nilalaro niya.Pero nakakainis dahil hindi iyon ang nararamdaman niya. At iyon ang mas masakit.Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Noong una, malinaw ang plano niya. Simple. Palapitin si Alejandro, pagtiwalain siya, at paibigin. At kapag dumating na ang tamang oras, malalaman niya na ang totoo.That was the plan.Walang feelings. Walang attachment. Walang complications. Pero ngayon? Napatawa siya nang mahina. What a joke. Dahil habang iniisip niya ang lahat ng ginawa niya para manipulahin si Alejandro, ang nakikita niya lang ay ang sarili niyang nahulog.Hard.Painfully hard.Napahawak siya sa noo. Hindi niya alam ang gagawin na. Hindi niya mapagtanto kung galit ba siya ngayon o hindi. B
After a few weeks of peace, Karolina starts noticing things. Actually, matagal na niyang alam. Matagal na niyang alam na may mali. Hindi lang niya pinapansin. Dahil mas madaling magpanggap. Mas madaling magpanggap na normal lang na alam ni Alejandro kung paano siya magre-react sa bawat sitwasyon. Mas madaling magpanggap na normal lang na parang nababasa nito ang isip niya. Mas madaling magpanggap na hindi siya naaapektuhan sa tuwing tititigan siya nito na para bang may pinag-aaralan. Pero ngayong gabi, hindi na niya kayang magpanggap. Dahil may isang katotohanan na unti-unti nang lumulubog sa sikmura niya. Her plan wasn't working. At least, not the way she thought it would. Noong una, simple lang naman ang plano. Paibigin niya si Alejandro. Then somehow, somewhere along the way… Siya ang nahulog. Hindi niya alam kung kailan nagsimula. Baka noong gabi na niyakap siya nito pagkatapos ng bangungot. Baka noong mga pagkakataong pinapatawa siya nito kapag gusto niyang magalit. Hindi
Kinabukasan, sa ikalimang beses na pag-vibrate ng cellphone ni Alejandro, tuluyan nang nawalan ng pasensya si Karolina."Ako na."Napaangat ang tingin ni Alejandro mula sa laptop. "Ano?""Ako na ang sasagot."Bago pa ito makapagsalita, kinuha na niya ang cellphone. Tumawag ulit si Veronica.Again.Naningkit ang mga mata niya. At sinagot niya. Tahimik lang siya sa una, walang hello o wala man lang pagpapakilala.Sa kabilang linya, narinig niya agad ang boses ng babae. "Alejandro, babe?"Napakalamig ng boses ni Karolina nang magsalita siya. "No."Natahimik ang kabilang linya. "Who is this?""Someone who's getting tired of you."Isa pang katahimikan. Pagkatapos ay mahinang tumawa si Veronica."Ah."Hindi niya nagustuhan ang tunog noon. Kahit kaunti."So the wife finally answered."Mabagal na ngumiti si Karolina. Hindi iyon magandang ngiti. At unti-unting nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Alejandro habang pinagmamasdan siya."Yeah, that's right. I am his wife. Write that down if you hav







