Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang bigat ng mga ibinunyag ni Papa noong nakaraang mga araw. Ang bawat salita, bawat pangyayari, at bawat galit na namana at pinalaki ni Donya Soledad ay tila nakaukit na sa aking puso. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay na mas lalong bumabagabag sa akin—isang bagay na matagal ko nang napapansin ngunit hindi ko binibigyang halaga hanggang sa lumabas na ang katotohanan tungkol sa aming nakaraan. Mula pa noong bata pa ako, madalas kong marinig at mapag-usapan ang tungkol sa Mayor ng aming bayan—si Donato. Kilala siya bilang isang matulungin, makatarungan, at higit sa lahat, matalik na kaibigan ni Papa. Sa tuwing dumadalaw siya sa aming bahay, laging may dalang pagkain, gamot, o tulong para sa aming pamilya. Lagi silang magkasama ni Papa, nag-uusap nang mahaba at seryoso, tila may mga bagay silang pinagkakasunduan na hindi para sa pandinig ng iba. Noong una, inakala kong simpleng pagkakaibigan lamang iyon. Isang ugnayang nabuo dahil s
อ่านเพิ่มเติม