"I-I'm not… I'm not in favor of that setup, Ika…" binalingan niya ulit ako. “But if that's what you want, then go ahead. Malaki ka na, alam mo na ang ginagawa mo."Malaki ka na… Parang dati lang, nababataan siya sa edad ko tapos ngayon biglang ganito? Pakiramdam ko ay sinaksak ang puso ko sa narinig. "Aba, mukhang mas pabor pa nga ata si Ika kaysa kay Jace, ah!" tumatawang kantiyaw ng Tiyo namin. "Tingnan mo 'tong si Jace, biglang namutla!""H-Ha? Hindi ho, Tito. Nagulat lang ako," pilit-tawang bawi ni Jace, bagaman ramdam ko ang biglang paninigas ng kaniyang katawan sa tabi ko. Pasimple niya akong pinandilatan ng mga mata na para bang nagtatanong kung nababaliw na ba ako.Kung pwede lang ipagsigawan na: Oo! Nababaliw na ako! Sinong hindi kung ganito na lang ang nangyayari sa buhay ko?!"O, bakit parang natahimik kayong lahat?"Napalingon kaming lahat sa gawi ng glass door nang lumabas na muli sina Don Ymael at Donya Victoria na may kasunod na dalawang katulong na nagdadala ng mga b
اقرأ المزيد