Naging gano'n na ang ayos namin sa mga sumunod pa na araw. Susunduin niya ako bago pumasok sa school, tapos sasabay saakin 'pag uwian na. Hindi na saakin bago 'yon dahil matagal naman niyang ginagawa 'yon sa akin. It's part of his courtship I think. "Exam na naman," problemadong buntong-hininga ng katabi kong si Jessy. Nilingon ko siya at tamad kong tinanguan. Nasa loob kami ngayon ng cafeteria, hinihintay ang kapatid kong si Ethan. "Ang bilis talaga ng oras. Parang kahapon lang Prelim natin, tapos ngayon, hays!" muli niyang buntong-hininga na animo'y napakalaking problema ng paparating naming finals. "Ba't mo pa pinoproblema, eh, lagi ka naman may katabing dean's lister," biro ko, tukoy ko sa kapatid ni Midenna na si Cole. "H'wag mo na ngang mabanggit-banggit saakin 'yang pangit na 'yan!" asik niya. "Bilis mong mapikon 'pag siya na ang usapan," irap kong puna. "Kapikon-pikon naman talaga siya, duh!" "Whatever, Miss Ladiza," I shrugged. "Whatever too, Miss Harper!" she mocked
Read more