Kinabukasan, nagising akong masakit ang buong katawan. Pagmulat ng mga mata ko, sinalubong agad ako ng kisame ng kwarto ni Lance. Nilingon ko ang tabi ko pero wala na siya roon, bagaman ramdam ko pa ang init na naiwan niya sa kama. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi, kung paano niya ako binuhat mula sa kitchen counter, kung paano niya ako hinalikan nang marubdob, at kung paano naging marahas ngunit maingat ang bawat haplos niya sa akin.Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng mukha ko kaya agad kong itinakip ang unan sa mukha ko. Diyos ko, Charlita! Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa buhay mo?Pilit kong pinapaalalahanan ang sarili ko habang nakatitig sa kisame. Wala lang ‘to, Charlita! Promise dapat wala lang ang nangyari sa amin kagabi! WALA!Buwisit naman, oo! Inaamin ko naman na guwapo siya at maalaga, pero bakit bumigay agad ako?! Ganoon ba ako kaharot?!Hindi puwede ito! Kapag natapos ang tatlong buwan na ’to at naisip ng Mama niya na hindi ako sapat, ako rin ang mawawalan
Read more