Chapter 36Samantha’s POVMatapos ang ilang linggong pananatili ko sa bahay, ipinasya kong bumalik na sa trabaho.Ayoko nang manatiling nakakulong sa apat na sulok ng silid, araw-araw na nilalamon ng mga alaala at takot. Pakiramdam ko kasi, habang mas matagal akong walang ginagawa, mas lalo lamang akong binabalikan ng lahat ng nangyari.Kailangan kong bumangon.Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay.Nang sabihin ko ang desisyon ko kay Ninang, hindi siya tumutol.Sa halip ay ngumiti siya at marahang hinawakan ang aking kamay."Mas mabuti nga iyan, Samantha. Huwag mong hayaang kontrolin ng nakaraan ang kasalukuyan mo.""Kapag naging abala ka ulit, unti-unti ring gagaan ang pakiramdam mo."Tumango ako.Alam kong tama siya.Hindi man tuluyang mawawala ang sakit, kahit paano ay mababawasan ito kapag muli akong naging abala.Mas nagulat pa ako nang pumayag agad si Enrico.Ngunit may kondisyon."Araw-araw kitang ihahatid at susunduin."Napatingin ako sa kanya."Hindi na kailangan.""Kailangan
Read more