ALINA MONTEJO POVMaaga akong nagising kinabukasan dahil sa tunog ng banayad na katok sa pinto ng kwarto ko. Pagkadilat ko, nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Kian sa tabi ko, nakayakap sa paborito niyang unan. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising, bago ko binuksan ang pinto nang bahagya.Si Nanay ang bungad sa akin, naka-apron na at amoy bawang na ang kamay. "Alina, gising na si Sir Ezekiel. Nandoon na rin si Robert sa sala, may mga inaayos na wire at router ata 'yun. Lumabas ka na muna kung gusto mo nang mag-kape.""Sige po, Nay. Sunod po ako agad," bulong ko sabay sulyap muli kay Kian bago ko tuluyang isinara ang pinto ng kwarto.Nag-hilamos lang ako at nag-ayos nang konti bago lumabas patungo sa dining area. Tama nga si Nanay, dahil pagdating ko sa sala ay nakita ko agad si Robert na nakaluhod malapit sa main console, may hawak na screwdriver at may pinapalitang maliit na itim na kahon. Si Ezekiel naman ay nakatayo sa gilid niya, may hawak na baso ng kape hab
Read more