ALINA MONTEJO POV"Kian, baby, ligpitin mo na muna 'yung mga shells mo riyan. Kakain na tayo," tawag ko sa anak ko habang tumatayo ako mula sa carpet.Nang-amoy na kasi mula sa kusina ang nilulutong sinigang ni Nanay. Ramdam ko na rin ang gutom dahil halos hindi naman ako nakakain nang maayos sa eroplano kanina dahil sa halo-halong emosyon."Opo, Mommy," sagot ni Kian, pero bakas sa boses niya na bitin pa siya sa paglalaro."Tulungan na kita, buddy," prinesenta ni Ezekiel. Nakaupo pa rin siya sa sahig, at sa isang iglap lang, mabilis niyang isinubsub ang mga natitirang puting shells sa loob ng plastic pouch para hindi na mahirapan ang anak ko."Thank you po, Dada!" Kian beamed, hugging his plastic pouch closely to his chest bago tumakbo papunta sa maliit na drawer sa gilid ng TV para itago 'yun.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng mga plato at kubyertos. Nakita ko si Rina na naglalagay ng kanin sa malaking mangkok habang si Nanay naman ay maingat na isinasalin ang mainit na sinigang
Read more