ALINA MONTEJO POV Apat na taon. Apat na taon din kaming namuhay sa isang maliit, tahimik, at simpleng bayan sa Aurora. Doon ko natutunang maglaba nang walang washing machine, magtanim ng sariling gulay, at mag-online freelance work sa gabi habang tulog ang anak ko para lang may pambili kami ng bigas at diaper. Mahirap, pero kapag nakikita ko ang mukha ng anak ko, pakiramdam ko ako na ang pinakamayamang babae sa mundo. "Mommy, look! I built a skyscraper using my blocks. Mas mataas pa sa bahay ni Aling Tasing!" Napalingon ako kay Kian habang nag-eempake ako ng mga natitira naming gamit sa bag. Nakaupo siya sa sahig, seryosong-seryoso ang mukha habang maingat na ipinapatong ang huling piraso ng lego block. Sa edad na apat, kakaiba ang talino ng anak ko. Habang ang ibang bata sa kapitbahay ay abala sa paglalaro sa putikan, si Kian, mas gustong magbasa ng mga picture books tungkol sa mga makina, computer, at mga gusali. At kung pag-uusapan naman ang ugali? Doon ako napapabuntong-hi
Last Updated : 2026-05-19 Read more