EZEKIEL VALENCIA POVDinala kami ng mga paa namin sa dulo ng bookstore kung saan nakahilera ang mga art supplies. Agad na kumuha si Rina ng isang basket para doon ilagay ang mga makukuha namin. Si Kian naman, hawak-hawak pa rin ang dulo ng shirt ko habang nakatingin sa mga makukulay na display ng mga pambura na may iba't ibang hugis ng hayop."Ate, tingnan mo ito. Ito ba 'yung brand ng watercolor na nakasulat doon sa email?" tanong ni Rina habang ipinapakita sa akin ang isang parang maliit na case na may mamahaling tatak.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng maong ko para i-double check ang listahan na ipinadala ng school director. "Oo, Rina. Yan nga. Medyo may kamahalan pala talaga ang mga gamit sa eskwelahan na 'to, no? Isang set pa lang ng kulay, parang pang-isang linggong grocery na natin sa probinsya dati.""Ganyan talaga kapag international school, Ate. Pero huwag mo na isipin 'yung presyo, sabi naman ni Kuya Ezekiel diba, ibigay natin kung ano ang pinakamaganda para kay
Leer más