ALINA MONTEJO POVPagkalabas na pagkalabas namin sa court hall, ramdam ko pa rin ang panginginig ng tuhod ko. Parang doon lang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari sa loob. Naupo muna ako sa bench sa may hallway habang si Ezekiel naman ay abalang nakikipag-usap sa dalawang security guards na kasama namin."Alina, uminom ka muna ng tubig," sabi ni Robert sabay abot sa akin ng isang maliit na bote mula sa dala niyang paper bag."Salamat, Robert," sagot ko at mabilis na binuksan 'un. Sobrang tuyo ng lalamunan ko sa tindi ng kaba kanina habang kaharap ang judge at si Eduardo. Habang nakatitig ako sa bote ng tubig, hindi ko mapigilang balikan sa isip ang bawat segundong lumipas sa loob ng court hall. Noong mga unang buwan namin sa Maynila pagkaalis sa probinsya, nung panahong halos hindi ako makatulog dahil sa takot na baka mahanap kami ng mga tauhan ni Eduardo, pakiramdam ko ay palagi kaming talo sa buhay. Mula nung gabing mapilitan kaming lumuwas, nung makuha kami nina Ezekiel mula
Read more