ALINA MONTEJO POV"Mommy, look! I finished coloring the big house!" Patatakbong lumapit sa akin si Kian habang iwinawagayway 'yung hawak niyang papel.Kinuha ko 'yun at tiningnang mabuti. Ang gulo-gulo pa ng pagkaka-shade niya, lagpas-lagpas sa linya 'yung kulay green at blue, pero kitang-kita mo 'yung effort ng isang limang taong gulang na bata. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Wow, ang galing naman ng baby ko. Ang ganda ng color combination mo, ha.""I will show it to Dada later po paglabas niya mula sa work room," nakangiting sabi niya bago bumalik sa sahig para iligpit ang mga krayola niya sa loob ng maliit na plastic box."Sige, iligpit mo na 'yan at handa na ang tanghalian natin," paalala ko sa kanya habang tumatayo ako para tulungan si Nanay sa kusina.Pagpasok ko sa dining area, nakahain na ang ulam. Nagluto si Nanay ng sinigang na baboy na mausok-usok pa, habang si Rina naman ay nag-aayos ng mga platito para sa sawsawan. Amoy pa lang ng patis at kalamans
閱讀更多