ALINA MONTEJO POV Tunog ng alarm ng cellphone ko ang gumising sa akin. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw at madilim na madilim pa sa labas. Kahit medyo mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, mabilis akong bumangon para maligo at mag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, gising na rin si Nanay at kasalukuyang nag-iinit ng tubig para sa kape, habang si Rina naman ay inaayos ang mga sapatos na gagamitin namin sa biyahe. "Alina, gisingin mo na si Kian nang dahan-dahan. Sabi ni Ezekiel ay pababa na ang mga bag niyo sa basement," bulong ni Nanay habang nag-aayos ng mga baong sandwich sa counter. "Opo, Nay. Gigisingin ko na po," sagot ko sabay lakad patungo sa kwarto ng anak ko. Pumasok ako at naupo sa tabi ng kama ni Kian. Mahimbing pa ang tulog niya, nakayakap sa kanyang dinosaur. Hinaplos ko ang pisngi niya nang marahan. "Kian, baby, gising na. Alis na tayo papunta sa beach." Bumalikwas siya ng higa at dahan-dahang idinilat ang mga mata niya. "Beach po, Mommy?" "Oo, kaya kailangan na nati
Read more