ALINA MONTEJO POVKinabukasan, maaga akong nagising para ihanda ang almusal. Pagkatapos ng ilang linggong puro stress dahil sa mga hearing at pag-aayos ng child support, ngayon ko lang naramdaman na may oras na ako para sa mga simpleng gawaing bahay. Nagluto ako ng sinangag, bacon, at scrambled egg na paborito ni Kian. Habang nag-aayos ako ng mga plato sa dining table, narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Ezekiel."Good morning," bati niya habang naglalakad patungo sa kusina. Naka-polo shirt lang siya ngayon at maong pants dahil mamayang hapon pa naman ang balik niya sa opisina para sa isang internal meeting."Good morning. Sakto, katatapos ko lang magluto. Maupo ka na rito," nakangiting sagot ko sabay abot sa kanya ng isang tasang mainit na kape."Salamat. Si Kian, gising na ba?" tanong niya habang humihigop ng kape at tinitingnan ang tahimik na hallway."Tulog pa, hinayaan ko muna kasi medyo napahaba ang laro niyo kagabi ng mga toy cars niya," sabi ko habang nauupo sa tapat n
Read more