EZEKIEL VALENCIA POVTahimik ang buong sasakyan habang binabaybay namin ang daan pabalik sa penthouse mula sa eskwelahan. Sa backseat, mahimbing na ang tulog ni Kian habang nakasandal ang ulo sa kandungan ni Alina. Tiningnan ko sila mula sa rearview mirror bago ako lumingon sa labas ng bintana ng SUV.Nitong mga nakaraang araw, lalo na nung matapos ang magkakasunod na hearing para sa custody at child support, ramdam ko ang biglang pagbabago ng takbo ng buhay ko. Kung iisipin, ilang taon kong binuo ang Valencia Holdings na ang tanging focus ko lang ay ang mga numero, stocks, at kung paano mapapalawak ang impluwensya ng pamilya namin laban sa mga lumang patakaran ng lolo kong si Eduardo. Pero ang lahat ng 'to ay biglang naging pangalawa na lang simula nung gabing makuha ko sila Alina at Kian sa madilim na kalsada ng Batangas, matapos silang tumakas mula sa mga tauhan ng sarili kong pamilya.Nung lumabas ang opisyal na resulta ng DNA test na nagpatunay na si Kian ay sarili kong dugo, doo
Read more