Nanlaki ang mga mata ko sa galit. "Don't say that, Romnick! Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hayop na iyon dito!""Bakit, totoo naman ah?" asik ni Romnick. "Dati, isang tawag lang natin, gagawin na niya lahat ng ito habang tayo ay nagpapasarap sa mall. Ngayon, eto tayo, nagkakamot ng ulo dahil hindi natin alam kung paano sisimulan ang simpleng data analysis na ito! Put*ng ina, ang hirap palang mabuhay kapag walang inuutusang alipin!""Hindi natin siya kailangan!" sigaw ko, pilit na pinapaniwala ang sarili. "Kaya nating gawin ito nang wala ang gagong iyon!""Really, Aria?" baling ni Romnick sa akin, seryoso at puno ng sarkasmo ang mukha. "Talagang kaya natin? E tatlong araw na tayong paulit-ulit na binabagsak ng propesor natin! Sige nga, kung kaya mo, ikaw ang gumawa nitong buong chapter ngayon nang mag-isa mo!"Napatitig ako sa laptop screen kung saan nakasulat ang pulang-pulang mga puna ng aming professor. Tahimik. Walang masabi.At doon, naramdaman ko ang isa pang kla
Read more