POV:JunMakaraan ang dalawang linggo ng pagpapagaling at pagmumuni-muni sa loob ng aking condo, muli akong tumapak sa loob ng university. Dalawang linggo ring tahimik ang naging mundo ko—malayo sa maingay na koridor ng dati kong departamento, malayo sa mga pakiusap na walang katapusan, at malayo sa mga matang umaasa lamang sa aking kakayahan.Sa panahong iyon, marami akong napagtanto. Una, tuluyan na akong nagpalipat pabalik sa kursong Engineering kung saan talaga ako nararapat. Pangalawa, nagpasya akong mag-trisem upang mas mapabilis ang pagtatapos ko. Kahit pa huli na ako sa normal na daloy ng aking batch, hindi na iyon naging mabigat sa loob ko. Ang mahalaga, alam ko na kung saan ako lumulugar. Hindi na ako nagpapagabay sa kagustuhan ng iba; sa pagkakataong ito, para sa sarili ko na ang desisyong ginagawa ko.Nang unang araw kong bumalik, sariwa ang hangin na nilalanghap ko. Ibang gusali, ibang mga mukha, at higit sa lahat, ibang klase ng kapanatagan sa dibdib. Wala na ang takot na
Read more