LOGINUmiling siya nang walang kaabog-abog. “Not today, baby.”Napailing si Ate Mylene habang natatawa. “Hay, naku! Jayzel, good luck sa iyo rito sa fiancée mo.”“Bakit parang ako pa ang kawawa, Ate?”“Hindi ka naman kawawa,” nakangiti niyang sagot. “Pero mukhang kailangan mong maghanda sa dami ng nakalinyang plano ng lalaking iyan.”“Exactly!” sang-ayon pa ni Jun habang marahang hinahawakan ang aking kamay. “Don't worry. I'll make sure everything will be worth the wait.”Natahimik ako sandali. Dahil kahit nang-aasar siya, ramdam ko ang lalim at katapatan ng kaniyang boses. At sa halip na kabahan, mas lalo akong napangiti.Hindi na ako natatakot sa mga planong bubuuin naming dalawa. Hindi na ako nangangamba na baka ako lamang ang may gustong magpatuloy. Sa pagkakataong ito, pareho na kaming nakatatingin sa iisang direksyon.“May maliit kaming regalo para sa iyo, Jayzel.”Napalingon ako sa boses ni Kuya Marco. Katabi niya si Ate Rose Ann, na may hawak na isang magandang kahon na nakabalot sa
Iyon lamang ang naisigaw ko bago napahawak sa aking dibdib.Muling sumigaw at naghihiyawan ang lahat sa sala.“CONGRATULATIONS!”“TOP FOUR!”“ATTY. JAYZEL!”“WELCOME HOME!”Napahagalpak ako ng tawa, pero kasabay niyon ay biglang namuo at nangingilid ang luha sa aking mga mata. “Hindi ko talaga ito inaasahan!”Agad na lumapit si Mama mula sa aming likuran. Kasunod niya si Papa, na kapwa natatawa habang pinagmamasdan ang masayang gulo sa buong sala.“Anak!” sabi ni Mama. “Sabi ko na nga ba, may naghihintay na malaking sorpresa sa iyo!”Napalingon ako sa kaniya. “Ma, alam mo rin ito?”Ngumiti siya nang makahulugan. “Of course!”“Papa?”Tumango si Papa habang nakakrus ang dalawang braso. “Kasabwat din ako.”Napabuntong-hininga ako at muling natawa. “Lahat pala kayo, ha!”“Surprise nga kasi, anak!” masayang sagot ni Mama.Mula sa aking gilid, lumapit si Jun at marahang ipinalupot ang kaniyang braso sa aking balikat. “See? I told you that you'd like it.”Napalingon ako sa kaniya, nakataas a
“Jun!”Natawa siya nang mahina at marahang hinalikan ang likod ng aking kamay. “Okay, okay. Atty. Lacsamana muna.”Muli akong napailing, ngunit hindi ko na napigilang mapangiti nang malaki.Hindi ko alam kung paano niya laging nagagawang gumaan ang aking pakiramdam sa tuwing nagsisimula akong mag-isip nang sobra o mag-alala sa hinaharap. Hindi niya kailangang gumawa ng mga mararangyang bagay; minsan, sapat na ang isang simpleng biro, isang matamis na ngiti, o ang mahigpit na paraan ng paghawak niya sa aking mga kamay.At habang nakasandal ako nang payapa sa upuan ng kotse, bigla kong naisip na sana ay marami pa kaming ganitong mga araw sa hinaharap.Mga araw na hindi na namin kailangang magtago ng tunay na nararamdaman.Mga araw na hindi na kami takot magsabi ng totoo sa isa't isa.Mga araw na pareho kaming masaya sa mga bagay at tagumpay na pinaghirapan naming makamit nang magkasama.At sa lahat ng mga araw na iyon, iisa lamang ang gusto kong makasama sa bawat paggising—si Jun.“Baby
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahit ilang beses ko nang tiningnan ang pangalan ko sa screen ng aking cellphone.JAYZEL LACSAMANA — TOP 4.Sa tuwing binabasa ko iyon, kusang sumasalubong ang ngiti sa aking mga labi. Pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako, at anomang oras ay magigising na lang ako sa harap ng aking mesa—napapaligiran ng mga makakapal na libro at reviewer, habang pilit na inuunawa ang mga batas na kailangan kong isapuso.Ngunit hindi ako nananaginip.Pumasa ako sa Bar Examinations. At hindi lamang basta pumasa—kabilang ako sa mga nangunguna sa buong bansa.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano ko napigilan ang sarili kong tumili nang makita ang aking pangalan. Mabuti na lamang at naroon sina Mama at Papa. Kung hindi dahil sa kanila at kay Jun, baka hanggang ngayon ay lumulutang pa rin ako sa ere at hindi ko maipaliwanag ang kagalakang nag-uumapa sa aking dibdib.“Baby.”Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa tabi ko sa loob ng sasakyan habang binab
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mama. “Anak…”“Alam kong marami kayong kailangang asikasuhin sa Canada. Alam kong hindi naging madali ang biglaang pag-uwi ninyo. Pero ginawa ninyo iyon para lamang makasama ako ngayong araw.” Naramdaman kong muling namasa ang aking mga mata. “Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan nang sapat.”Lumapit si Papa at hinawakan ang aking balikat. “Anak, hindi mo kailangang suklian ang pagmamahal namin.”“Pero po—”“Walang pero,” putol ni Papa. “Kung may isang bagay kaming gustong makita sa mundong ito, iyon ay ang masaksihan kang masaya at tinutupad ang mga pangarap mo.” Hinaplos niya ang aking buhok. “At ngayon, nakita ka naming kamtin ang isa sa pinakamalaking tagumpay mo.”Muling lumapit si Mama at mahigpit akong niyakap. “Hindi namin ipagpapalit ang sandaling ito sa kahit anong kayamanan sa mundo.”Niyakap ko silang dalawa nang sabay. Sa loob ng maraming taon, sila ang naging tahanan at lakas ko. Sila ang unang naniwala sa akin noong p
“Hoy! Baka makalimutan ninyong may mga magulang pa kayong kasama rito!”Napalingon kami sa pamilyar na boses ni Papa. Nakatayo siya sa tabi ni Mama, kapwa may malawak na ngiti sa labi habang pinagmamasdan kaming dalawa.Bigla akong nakaramdam ng hiyang mabilis kong ikinubli sa pamamagitan ng pag-atras palayo kay Jun. “Papa naman!”Natawa siya nang malakas. “Ano? Wala naman akong sinabing masama, ha.”Si Mama naman ay nakangiting lumapit sa akin at niyakap ako nang bahagya mula sa gilid. “Hayaan mo na ang Papa mo, anak. Masaya lang talaga siya para sa iyo.” Hinalikan niya ako sa noo. “Congratulations ulit, Atty. Jayzel.”“Thank you, Ma.”Pagkatapos ay binaling niya ang kaniyang tingin kay Jun. “Jun, congratulations din sa iyo, hijo.”Napakunot ang noo ni Jun. “Me, Tita?”“Oo naman. Alam ko namang hindi ikaw ang nag-aral o kumuha ng Bar Examinations, pero alam kong naging malaking bahagi ka rin ng mga paghahanda at sakripisyo ni Jayzel.”Agad na umayos ng tayo si Jun, tila sumasaludo. “
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul







