FAZER LOGINIyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang nag-alinlangan nang husto. Maliit lamang iyon, ngunit sapat upang mapansin ko ang kaniyang panginginig.Kilalang-kilala ko si Jeff. Alam ko na kapag sigurado siya sa isang bagay, mabilis siyang sumasagot nang may kayabangan.Ngunit ngayon... may matinding takot at pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata.At sapat na iyon upang mas lalo akong matawa sa loob-loob ko.“Alam mo, Jeff,” kalmado kong wika, “ang pinakanakakatawa sa inyong dalawa, napakadali ninyong maniwala na mananalo kayo dahil lamang sa inakala ninyong mas tuso kayo kaysa sa akin.”“Kimmy, huwag mo akong subukang hamunin,” pagbabanta niya.“Hindi kita hinahamon. Binibigyan lamang kita ng pagkakataong isipin kung anong uri ng hukay ang sarili mong pinagukay.”“Wala akong ginagawang ilegal!”“Kung ganoon, wala ka palang dapat ikatakot sa mga susunod na hakbang.”Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Napansin kong mas marami nang bisita ang tumigil sa pagkain at
Bahagyang ngumiti si Dorothy habang marahang ipinapatong ang kaniyang kamay sa dibdib ni Jeff.“Sa wakas... sinabi mo rin sa kaniya ang totoo,” malambing nitong bulong.Pagkatapos ay muling ibinaling ang matalim nitong tingin sa akin. “Narinig mo naman siya, hindi ba? Ako ang mahal niya. Ako ang pinili niya. Kaya pakiusap... tigilan mo na ang pagpapanggap na mayroon ka pang puwang o halaga sa buhay niya.”Hindi ako agad sumagot.Sa halip, tahimik kong tiningnan ang kamay ni Jeff na nakapulupot nang mahigpit sa baywang ng kaniyang kabit. Pagkatapos ay dahan-dahan kong itinuon ang aking paningin sa mukha ng lalaking minsan kong minahal.“Kung ganoon, wala na nga tayong dapat pag-usapan pa tungkol sa iyong personal na buhay,” malamig kong simula. “Dahil hinding-hindi ko kailangang makipag-agawan sa isang lalaking kusang pumili ng maling landas at ng ibang babae.”Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Dorothy.Marahil ay umasa siyang iiyak ako nang husto sa harap ng maraming tao. Marah
Hindi ko inalis ang aking mga mata kay Jeff, kahit malinaw nang nauubos ang kaniyang pasensya sa bawat segundo ng pananatili ko rito.Sa kaniyang tabi ay nakatayo si Dorothy, nakatagilid at nagmamalaki na parang siya na ang pormal na reyna ng Greenzone Development. Nakataas ang kaniyang baba, at nakaguhit sa kaniyang mga labi ang isang mapang-insultong ngiti. Kanina pa niya ako sinusundan ng tingin, tila naghihintay na mainis ako o mapaalis sa harap ng maraming tao.Nakakatuwa.Kung alam lang sana niya kung gaano ako ka-eager at kasabik na panoorin kung hanggang saan aabot ang kawalang-hiyaan at kayabangan nilang dalawa.“Hindi mo pa ba talagang naiintindihan ang sitwasyon, Kimmy?” pabulong na banta ni Jeff, mariin ang bawat salita. “Sinabi ko nang umuwi ka na. Wala kang mapapala rito kundi ang mapahiya.”Bahagyang sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi. “Bakit? Takot na takot ka bang may malaman at mabunyag ang mga bisita rito?”Ilan sa mga kalapit na panauhin ang napali
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa matinding pagkabigla.“I'm not afraid of you!” pabalang nitong sigaw.“Then why do you keep bringing him up every single time you talk to me?”Hindi siya nakasagot. Napatikom ang kaniyang bibig.Nagpatuloy ako, malamig at malinaw ang bawat salita. “Kung talagang kampante at sigurado ka sa relasyon ninyong dalawa, hindi mo kailangang lumapit sa akin para lang ipaalala kung kanino na nakakapit si Jeff. Hindi mo kailangang paulit-ulit na ipamukha sa akin na ikaw ang magiging kapalit ko. At lalong hindi mo kailangang magkandakuba sa pagpapatunay na ikaw ang pinili niya.”Natahimik siya nang tuluyan, nanginginig ang mga labi.“Dahil kung talagang sigurado ka sa sarili mo at sa halaga mo, hindi mo kailangang makipagkompetensiya sa babaeng sinasabi mong wala nang silbi.”“YOU'RE OBSESSED WITH HIM!”Halos mapatili si Dorothy sa matinding galit, nawawalan na ng kontrol sa sarili.“Hindi mo lang matanggap na ako na ang mahal niya! Kaya ka nagpunta rito! Gusto mo
“Ang sabi ko, hindi ko na siya kailangan.”Napatitig siya sa akin na para bang hindi niya maunawaan ang narinig. Maging si Jeff ay tila nawalan ng sasabihin.Napangiti ako. “Hindi ba iyan naman ang gusto ninyo? Na mawala na ako sa buhay niya?”Walang sumagot.“Then congratulations. You got what you wanted.”“Stop it, Kimmy.”Muling nagsalita si Jeff. Sa pagkakataong ito ay mas mababa ang boses niya, ngunit mas matigas at puno ng tensyon. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”Napatingin ako sa kaniya. “Talaga?”“Oo. You're upset. You're hurt. Kaya hindi ka nag-iisip nang maayos.”Napangiti ako nang bahagya. Napakagandang dahilan.Kapag nagtatanong ako, emosyonal ako.Kapag nasasaktan ako, hindi ako nag-iisip nang maayos.Kapag hindi ako sumasang-ayon, kailangan ko raw kumalma.At kapag gusto niyang gawin ang isang bagay, dapat kong unawain siya dahil marami siyang iniisip.Napakaraming taon kong tinanggap ang mga paulit-ulit na paliwanag na iyon. Hindi na ngayon.“Jeff, alam mo kung ano ang
Mabilis niyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso upang hilahin ako palabas.Hindi naman labis na masakit ang kaniyang pagkakahawak, ngunit sapat iyon upang ipaalala sa akin kung gaano siya kasanay na kontrolin at pasunod-sunurin ako sa tuwing hindi niya gusto ang katotohanang lumalabas sa bibig ko.Tinitigan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. Pagkatapos ay itinapat ko ang aking malamig na tingin sa kaniyang mukha.“Bitawan mo ako.”“Kimmy, listen to me for once—”“Sabi ko, bitawan mo ako, Jeff.”May kung anong nakikidlat at nakakatakot siyang nakita sa mga mata ko dahil dahan-dahang lumuwag at tuluyang naalis ang kaniyang pagkakahawak.Pinispis ko ang braso ko at marahang inayos ang aking damit. “Hindi mo na kailanman kailangang gamitan ng dahas ang katawan ko para lang makuha ang atensyon ko.”Napatitig siya sa akin, tila nanginginig ang panga. “I'm just trying to protect you!”Napangiti ako nang napakapait. “Protect me from what, Jeff? From the truth?”“From making a
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n







