Denise's POV Naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingay sa paligid ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata at unang bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Shanaia. "S-Shan, a-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong, babangon na sana ako pero agad kong sinapo ang ulo ko nang bigla akong makaramdam ng hilo. "Bes, 'wag ka munang umupo! Kailangan mong magpahinga!" Nag-aalalang sabi niya at pinigilan ako sa gusto kong gawin. Pero hindi ako nagpaawat, umupo ako at sumandal sa headboard ng kama kahit medyo nahihilo pa rin ako, walang nagawa ang kaibigan ko kung hindi ang alalalayan ako. Marahan kong inikot ang paningin ko at agad kong nakita si Damon sa sofa ng aming kwarto, may kausap siyang babaeng nakaputi. Kung hindi ako nagkakamali sa suot niya, doctor siya. Pero nang dumako ang mata niya sa akin ay mabilis na tumibok ang puso ko, nilingon din ako ng babaeng doctor bago siya napangiti. "You're awake," nakangiti niyang sabi at tumayo, sumunod sa kaniya si Damon, n
Read more