Naninigas ang mga daliri ko habang mahigpit na nakahawak sa makapal na brown envelope na ibinigay sa akin ni Ma’am Malyn. Tatlong araw. Tatlong araw ang lumipas mula noong gabing halos mamilipit ako sa hiya dahil sa walang kwentang laro naming strip chess, at ngayong magkaharap na naman kami, parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig ng ikalawang palapag.Huminga ka nang malalim, Freya. Trabaho lang 'to. Isa kang responsableng kasambahay, hindi isang babaeng naghubad sa harap niya dahil natalo sa chess! pangaral ko sa sarili ko habang naglalakad palapit sa pinto ng pribadong study room ni Sir Raphael sa third floor.Inabot ko ang seradura at marahang kumatok nang tatlong beses."Pasok," ang mababa, seryoso, at pamilyar na boses mula sa loob ang sumagot.Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang malawak na silid na amoy na amoy ang mamahaling pabango niya—isang halong amoy ng kahoy, mint, at kape. Si Sir Raphael ay nakaupo sa kaniyang malaking executive
Read more