Sa pagkakataong ito hindi pinagbigyan ni Arabella ang gusto ng bata. “Okay na po ako, kahit hindi na ako magpalit ng damit pwede pa rin naman kitang samahan. Hindi ba gusto mong ipakita sa akin ang maliit mong kabayo? Halika na.”“Oh, sige po tara na po.” sagot ng bata. Pagdating nila sa horse stable, inilabas ng staff ang maliit na kabayo ni Callie. Isa itong purong puting pony, napakalambot at makinis ng bahalahibo nito at sa ilalim ng sikat ng araw ay kumikislap na parang perlas. Napakaganda nito, agad na lumapit si Callie at niyakap ang ulo ng pony.“Hi Pearl, namiss mo ba ko? Dinalaw kita ngayon.”Tila tuwang-tuwa rin si Pearl nang makita ang maliit nitong amo, paulit-ulit nitong tinatapakan ang lupa gamit ang mga paa nito. Hinawakan ng bata ang renda ni Pearl at dinala ito papunta sa riding area habang nakasunod sa tabi niya si Arabella.Kakatanggap lang ni Nathaniel ng isang tawag tungkol sa trabaho kaya naman hindi pa ito nakasunod, mabuti na rin iyon. Sa ganitong paraan, m
Leer más