Share

Chapter 126

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-09-10 22:32:21

Nang marinig ni Nathaniel ang sinabi ng babae, wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan lang ito. Napansin na rin ng ibang kasama nila ang kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa, may kung anong hindi maipaliwanag sa kanilang pag-uusap.

Pero wala ni isa sa kanila ang makakapagsabi kung ano man iyon. Sa halip, lalo lamang silang naging interesado sa naging lovelife ni Arabella. Sa sobrang ganda,sexy at husay nito, masasabi talagang isa siya sa mga babaeng halos perpekto na.

Kaya hindi nil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 134

    Bahagyang ngumiti si Arabella at halatang nahihiya sa sinabi ng estudyante. “Salamat.”Maya-maya, nag-vibrate ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at lumabas ng silid upang sagutin ang tawag. “Prof? Napatawag po kayo?”“Wala lang naman, ku-kumustahin lang sana kita. Maayos naman ang naging klase mo?”Bahagyang tumaas ang kilay ng babae.“Grabe, hindi ka pa rin ba nagtitiwala sa akin?”Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. “Syempre naman may tiwala ako sayo, naninigurado lang naman ako na walang naging aberya. Bukas pala pabalik na ko ng Manila.”“Naayos mo na?”“Hmm, naayos ko na ang lahat huwag ka ng mag-alala.”“Mabuti naman kung ganun.”“Sige na, baka nakakaabala na ako sayo.”“Sige Prof, ingat sa byahe bukas.”Matapos ibaba ang tawag, naglakad na siya pabalik sa lecture hall. Ngunit nang makarating siya sa may hagdan, nakita niya ang isang pamilyar na pigura na paakyat. Kasama nito ang university president at dalawa pang opisyal ng paaralan. Nakita rin siya ng lalaki, mag

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 133

    Tungkol naman sa dahilan kung bakit nawala na ang kanyang suspension, may isa na namang tao na mataas ang position na kumausap mismo sa director ng station para sa kanya. At ayon dito, ang taong ito ay mula sa pamilya ng mga Cruz. Sa wakas, napagtanto ng station director kung gaano kalakas ang backer ni Arabella. Hindi na siya nagtataka kung bakit ganoon lamang ito kapanatag matapos ma-suspend ang programa nito. Naiintindihan din naman ni Arabella ang lahat, tuwing sabado kasi ay nanunuod din talaga si Sir Jim ng programa niya. Kaya nang bigla siyang mawala sa ere, malamang ay ipinahanap at ipinatanong nito kung ano ang nangyari. Hindi man siya tinawagan ng matanda, tahimik nitong inayos ang problema para sa kanya. Matapos maasikaso ni Arabella ang lahat, saka niya tinawagan ang matanda. “Arabella, may nangyari na pala sayo bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?” bungad ng matanda nang masagot ang tawag niya. “Sorry po Sir, nitong mga nakaraang araw po kasi naging busy po kasi

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 132

    Alam niyang gusto ng kanyang MommyLa si Tita Valentina niya kaysa kay Tita Crystal. Kaya hindi niya pwedeng tawagan si Crystal sa harap nito. Sobrang miss na miss na niya kasi ito nitong mga nakaraang araw, kaya sinadya niyang lumayo muna at saka palihim na tumawag. Hindi na nagtanong pa si Stephanie. “Huwag ka ng malungkot, darating din naman ang Daddy mo. Hintay ka lang ng mga ilang araw.”“Okay po.”“Halika na, makipaglaro ka na muna sa labas.”***Nakasandal si Arabella sa kanyang upuan, matagal siyang hindi makapag pakalma. Tumayo siya at lumabas ng kwarto, balak niyang mag timpla ng gatas. Pero bago pa man siya makarating sa kusina, narinig na niya ang boses ni Quinn. “Tita Cath, ang sarap talaga ng chicken noodles na niluto mo!”“Kung masarap, kumain ka pa marami pa naman yan.”Pagkasabi ni Quinn nito, napatingala siya. At nakita niya si Arabella na nakatayo sa may pintuan. Biglang nanigas ang mukha niya. Nakatanga siyang nakabuka ang bibig, habang hindi niya alam kung paano

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 131

    Kumuha si Nathaniel ng sigarilyo at saka sinindihan iyon, pagkatapos ay marahang nagbuga ng usok. Hindi mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Kaya nga eh, unang kita pa lang niya kay Crystal nagustuhan na niya agad.”Tumingin sa kanya si Andrei at mapang-asar na ngumiti. “Hhmmm…bakit sa tono ng boses mo, nagseselos ka ba?”Natawa nang bahagya ang lalaki. “Hindi naman masyado pero minsan oo, kasi mas madalas na niyang hinahanap si Crystal kaysa sa akin.”“Hindi ko akalain na ganyan ka pala ka-overprotective sa anak mo.”“Oo naman noh, lalo na’t babae ang anak ko. Syempre aalagaan ko yan na parang isang mamahaling alahas.”Sandali siyang tumigil at tumingin kay Andrei. “Alam mo hindi na tayo bumabata, baka panahon na rin para mag-anak ka na. Huwag mong hintayin na tumanda ka bago mo maisip na mahirap na magkaanak.”Napatawa sa inis si Andrei. “Ano bang ibig mong sabihin?”Pinatay ni Nathaniel ang sindi ng kanyang sigarilyo. Bahagya niyang tinaas ang kilay at saka ngumisi. “Wala

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 130

    “Kamukha mo ang asawa ni Nathaniel.”Parang biglang sumikip ang dibdib ni Arabella sa kanyang narinig, saglit siyang nataranta ngunit hindi niya ito pinahalata. Mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili, nanatiling malamig at mahinahon ang kanyang mukha bago sumagot. “Sorry pero hindi ko kilala ang sinasabi mong asawa ni Nathaniel.”Kung kanina ay naghihinala pa lamang si Andrei, pero ngayon ay sigurado na siya. Kahit gaano kahusay itago ng babae ang emosyon sa kanyang mga mata, hindi iyon nakaligtas sa kanyang paningin. “Alam mo, maiintindihan ko naman kung may dahilan ka kung bakit hindi mo magawang magsabi ng totoo eh.” Mabilis na napuno ng inis ang mukha ng babae. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, sana naman huwag kang magsalita ng mga bagay na wala namang kwenta. Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauuna na ko.”Pagkasabi niya nito, kinuha niya ang kanyang bag at mabilis na umalis. Ngunit sa bawat hakbang niya lalo lamang siyang nagmamadali. At nang makabalik na siya

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 129

    Hindi man lang tumagal ng ilang minuto mula ng isend ni Arabella ang reply niya kay Quinn, mabilis din itong sumagot.“Weh? Bakit naman ganun? Baka naman may problema sa ano niya?!”Natawa si Arabella nang mabasa niya ang reply ni Quinn.“Relax ka lang, imposible iyon. Masyado lang talaga siyang babad sa trabaho ay wala na siyang oras para makipag-date.”Nakahinga naman nang maluwag si Quinn. Nabanggit na rin ni Quinn na balak niya sanang maki-stay muna kina Arabella kasama si Kathryn ng ilang linggo para matulungan siya ni Arabella na magbawas ng timbang. Wala naman naging tutol si Arabella, alam din naman niyang okay lang din ito sa kanyang mga magulang. Ipinaalam din ni Quinn sa kanyang kuya ang plano niya, binigyan naman siya nito ng ilang paalala tungkol sa pagiging maingat at magalang kapag nakikitira sa ibang bahay. Nang maibaba ni Lhanze ang tawag ng kanyang kapatid, sunod naman niyang tinawagan si Arabella.“Hello, nakakaistorbo ba ko? Busy ka ba?”“Hindi naman, nakahiga la

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 3

    Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 2

    Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 1

    Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya

  • The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?   Chapter 7

    Nang marinig ni Joyce ang mga sinabi ni Arabella ay bigla siyang tumayo at mariin na hinampas ang lamesa.“Arabella!” Ngunit wala nang pakialam ang babae rito, tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Pag balik niya sa kanyang lamesa, inilabas niya ang kanyang pocket mirror at tiningnan ang maliit n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status