"Hindi... hindi ganyang ang ibig sabihin ko," kabadong sagot ni Kristine sabay kaway ng kanyang mga kamay. "Nagtatanong lang ako dahil sa kuryosidad. Naglalambing lang."Si Magnus naman na nakikinig sa tabi ay litong-lito. "Anong kasulatan? Anong kasal? Ma, anong pinagsasabi niyo?"Dahil natatakot na baka may masabing mali ang anak, hinawakan ni Kristine ang braso nito at hinila paakyat ng hagdan. "O siya, bata ka pa. Bakit ba ang dami mong tanong? Tignan mo nga, dumi-dumi ng uniporme mo! Umakyat ka na roon at magpalit na.""Ma, huwag niyo naman akong hilahin." reklamo ni Magnus, pero wala siyang nagawa kundi magpatianod paakyat.Habang pinapanood silang umalis, tumayo si Calista. "Aakyat na rin ako para mag-impake."Nang dadaan na siya sa harap ni Rowan, dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang pulso."No need to rush," bulong nito gamit ang malalim na boses. "Take your time."Tahimik na tumango si Calista. Nang makaakyat na ang tatlo, sina Rowan at Francis na lang ang naiwan sa sala
Zuletzt aktualisiert : 2026-05-24 Mehr lesen