HEIDI“Ang tahimik mo naman, Heidi. Hindi ako sanay na ganyan ka. Nagpunta ka ba dito para lang matulala at nakatitig sa kawalan?” sabi ni Penelope. Napahinga ako nang malalim.“Wala na kami ni Beho.” Biglang sabi ko. Nangunot ang noo ni Penelope sa sinabi ko.“Huh? Sino si beho?” Napamake-face ako sa kanya. Ang hina ng pickup ng kaibigan ko na ito.“Si Zacchaeus, siya ang beho na sinasabi ko. Wala na kami. Tinapos ko na ang relasyon namin. Nagsinungaling siya sa akin. Sabi niya, annulled na daw sila ni Kim, beha, pero hindi pa pala. Ano ang tawag mo doon, hindi ba panloloko? Niloko niya ako! Para siyang kalahi niya mga fake!” Inis na sabi ko.“Nagpaliwanag ba siya sa iyo? Kung oo, bakit hindi mo bigyan ng isa pang chance?” Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Penelope. Anong chance? Wala nang chance sa katulad niyang sinungaling! Hindi pwedeng ganoon na lang! Matapos niya akong gawing tanga. Pinaikot niya ako sa kanyang mga palad! Pare-pareho sila ng nanay niyang beha!“Oo, nagpaliwanag s
Magbasa pa