NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut
최신 업데이트 : 2026-05-28 더 보기