Share

Chapter Six

last update publish date: 2026-05-28 13:40:38

NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga.

"Hello." sagot ko sa kabilang linya.

"Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton.

"Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko.

"Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito.

"Salamat, cuz." pasalamat ko.

"You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet.

Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimutan ko si Yeshua.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng banyo at nakita ko din kaagad ang damit na pinahatid ni Grayton sa katulong. Isang white v-neck t-shirt at isang black short na lampas tuhod. Damit pala ng loko ang mga ito. Dahil damit ni Grayton ang pinasuot niya sa akin, maluwag ang mga ito sa akin. Pagkatapos kong magpalit ng damit, nagsuklay ako ng aking buhok. Hinayaan ko lang itong nakalugay dahil basa pa naman. Lumabas na ako sa aking kuwarto at pumasok sa elevator at pinindot ang first floor. Hindi pwedeng pindutin ang group floor dahil sa parking area ako mapupunta. Inis na hinawakan ko ang maluwag na maong short kong suot. Nagpa-akyat ng malalaking damit tapos walang belt para sa short.

Hawak-hawak ko nang magkabilaan ang short na suot ko, habang palabas ng elevator at dumiretso sa dining area. Ang sabi kasi kakain na. Ngunit, gano’n na lang ang reaksiyon ko ng makita ko si Yeshua. Prente itong nakaupo doon at tahimik na kumakain.

"Good morning." nakasimangot kong bati sa tatlong lalaki na nasa harap ko.

"Good morning." magkasabay na bati ni tito Orlando at Grayton sa akin habang si Yeshua ay hindi ma lang nag-angat ng tingin. At patuloy lang ito sa pagkain. Hmph.

"Maluwag ba ang short mo, hija?" tanong sa akin ni tito Orlando.

"Opo." matipid kong sagot at saka umupo sa tabi ng mag-ama.

"Dian!" tawag ni Grayton kay Dian, isa sa mga katulong ng mga ito.

"Yes po, Sir?" si Dian.

"Paki-kuhaan mo naman ako, please, ng belt doon sa estante sa kwarto ko. Piliin mo ‘yong unisex." utos ni Grayton kay Dian at tumalima naman kaagad ito.

Kinuha ko ang kutsara na nakalagay sa tabi ng nakahandang pinggan at kukuha sana ako ng fried rice, itlog at hotdog ng inunahan ako ni Grayton. Dahil sa pagiging mabait at maasikaso nito, hindi ko maiwasan ang mapangiti. Total package talaga siya. Nakangiti akong nakatingin sa ginagawa nito.

Pagkatapos nitong maglagay ng pagkain ko sa pinggan ko, tumayo si Grayton at pumunta sa kusina. Alam kong ipagtitimpla niya ako ng cocoa, dahil yan ang paborito ko. Hindi ako nagka-kape pero malakas ako sa cocoa.

"Here's your cocoa, Kamahalan." wika sa akin ni Grayton sabay lapag ng tasa ng cocoa sa tapat ko.

"Thanks, Gray." pasalamat ko saka nagsimula ng ngumuya, habang si tito Orlando naman ay tapos na sa pagkain. Tinapunan ko ng tingin si Yeshua, bahagya akong nagulat dahil nakatingin pala ito sa akin.

"You know, hija, never pa akong pinagtimpla ni Gray ng kape." may himig ng pagtatampong wika ni tito Orlando habang nakatingin kay Grayton.

"Hindi nga kita pinagtitimpla ng kape, ako naman ang nag-aalaga sa’yo kapag lasing ka." sagot ni Gray sa ama.

"And you are amazing." proud na sagot ni tito sa anak. "Yeshua, kumain ka pa." wika ni tito Orlando kay Yeshua. Tinapos na din kasi nito ang pagkain niyang nasa pinggan at hindi na kumuha pa ulit.

“Tito Orlando, ako na lang po ang magtitimpla ng kape n’yo mamaya.” presenta ko.

“H’wag na hija, may pupuntahan pa kayo ni Gray.“

“Next time na lang po, Tito.” wika ko.

“Of course, Hija.” wika ni Tito at muling kumain.

"Kain ka pa, Bro." alok ni Gray kay Yeshua sabay tulak ng bandehadong may lamang fried rice.

"I'm done, Bro." sagot nito saka tumingin sa akin.

"Namimiss ko ang palaging pagpunta mo dito sa bahay, Yeshua." nakangiting sabi ni tito Orlando.

Hindi ko alam na palagi pala dito si Yeshua, kung alam ko lang, palagi din ako dito.

"Busy po kasi ako, Tito." sagot ni Yeshua.

"Kaya nga e. Payaman ka na talaga nang payaman." si Tito.

"Para sa future po." nahihiyang sagot ni Yeshua.

"Itong si Gray bumili ng lupa sa Canada , tapos ginawang farm." proud na kuwento ni tito Orlando kay Yeshua.

"That's good. Congrats, Bro." nakangiti wika ni Yeshua kay Grayton.

"Thank you, Bro. Para din sa future." sagot naman ni Grayton.

"Punta ka sa kasal ni Grayton, malapit na." si Tito Orlando sabay tapik sa balikat ng anak. Nakita ko ang pagkagulat ni Yeshua saka palipat-lipat na tumingin sa aming dalawa ni Grayton.

"Dad, tumahimik ka muna baka magbago pa ang isip ni Dis." natatawang saway ni Grayton sa ama.

"Hindi na magbabago kamo." sagot ko naman. Narinig ko ang pagtikhim ni Yeshua. At magsasalita sana ito kung hindi lang dumating si Dian. Bitbit ni Dian ang belt na pinakuha ni Gray sa kwarto niya.

Inabot ko iyon saka tumayo para isuot. Kaso nahihirapan akong ipasok sa teynga ng short ko. Maya-maya inagaw na sa akin ni Gray at siya na ang naglagay, pinatulong pa niya si Tito Orlando sa left side ko. Nakakahiya tuloy.

"Bakit wala si Tita?" tanong ko para maibsan ang tension na nararamdaman ko, dahil sa titig ni Yeshua sa akin.

"Umalis ng maaga pumunta ng mall para daw mamili ng pasalubong at uuwi siya ng Canada next week. Para na din makatulong sa paghahanda sa kasal, excited nga siya sobra." si Tito Orlando ang sumagot.

"Inagahan talaga ni Tita. Hindi halatang excited.” wika ko na nakangiti.

"Excited nga din sila ni daddy mo. Akala niya hindi matutuloy ang kasal sa ikalawang pagkakataon." tumatawang wika ni tito Orlando.

"Bakit sino po bang ikakasal?" seryosong tanong ni Yeshua at nakatingin sa aming tatlo.

"Ako." mabilis na sagot ni Grayton. "Ako at si Dis." ulit nito.

Napangiti ako saka tumingin kay Grayton.

Nagpapasalamat dahil sa wakas tanggap niya na si Disney. Matagal ng may gusto si Disney kay Grayton, dahilan para lumayas ako sa amin. Hindi mahirap mahalin si Disney dahil maganda, mabait, matalino, mayaman at higit sa lahat marunong sa gawaing bahay. Samantalang ako, nganga. Ilang taon na akong namumuhay mag-isa pero never pa akong nagluto. Dahil sa labas ako kumakain o kaya makikain sa luto ng may luto. At kung sino ang mag-aya sa bahay nila.

Nakita ko ang pagbago ng mukha ni Yeshua at ang sunod-sunod na paglunok nito

'Problema nito?' tanong ko sa aking sarili. Nang matapos na kaming kumain lumipat na kami sa living room. Hindi pa uminit ang aking puwet sa inuupuan ko ng magsalita si Grayton at pinapaakyat ako sa kwarto niya.

"Umakyat ka na sa kwarto ko para magbihis, nasa ibabaw ng mesa ang damit mo. Pagkatapos bumaba ka kaagad dito at aalis tayo." wika sa akin ni Grayton.

"Saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong kay Grayton.

"Haist. Nakalimutan agad. Pupunta tayo ng mall para bumili ng singsing. Kaya nga kita sinundo kahapon." wika sa akin ni Grayton at pinasingkit nito ang kan’yang mga matang nakatitig sa akin.

"I’m sorry, I forgot." ani ko saka tumalima na.

Pagbalik ko sa baba ay siya rin paglabas ni Yeshua ng pinto. Hindi niya tuloy nakita ang suot kong dress. Sobrang bagay pa naman sa akin. Bigay pa ito ng pamangkin kong si Amelie.

"Let's go!" yaya ko kay Grayton saka hinatak na ito palabas ng pinto. Ang dating short na suot nito ngayon ay naging pantalon na. Saan kaya ito nagbihis?

"You look good. Ang galing talaga pumili ng pamangkin mo." puri ni Grayton sa akin saka umakbay sa akin.

"Hindi kaya ako pagseselosan ng pinsan ko sa mga ginagawa mo sa akin? tanong ko kay Grayton saka tumingala ako sa kan’ya. Dahil sa naka-akbay siya sa akin si Grayton kaya nagkalapit ang aming mukha ng tumingin si Grayton sa akin.

"Hindi. Alam ng pinsan mo kung gaano ka ka-patay na patay diyan sa lalaking nakatayo na nakatingin sa atin." wika sa akin ni Grayton na nakangiti.

Dahil sa sinabi ni Gray mabilis akong tumingin sa unahan at nakita ko nga si Yeshua. Nakatayo habang nakatingin sa aming dalawa. Biglang nanghina ang aking tuhod ng tumingin ito sa akin ng masama bago pumasok sa loob ng kotse nito, at pabalyang isinara ang pinto.

"That jerk is jealous." nakangiting wika sa akin ni Gray saka tinanggal ang brasong naka-akbay sa akin. Nakaramdam naman ako ng tuwa at napadasal na sana nga nagseselos siya. "Sasamahan mo ako ngayon at bukas ng hapon babalik na ako sa Canada." si Grayton saka pinagbuksan ako ng kotse.

"Akala ko ba next month pa ang kasal niyo. Stay ka muna dito kahit isang linggo lang, para magamit pa kita." wika ko kay Grayton ng pumasok na ito sa loob ng kotse.

"Pambihira ka naman, kapag ganiyan ka, talagang magseselos na si Disney sa’yo." sagot sa akin ni Gray saka pinaandar ang kotse.

"Nandito ka na lang din naman, lubos-lubusin ko na." nakangiti kong sabi kay Gray.

"Hindi p’wede, Desi, anihan na ngayon sa farm ko at kasal na namin next month." sagot sa akin ni Grayton.

"I understand." ani ko. "Invitation ko, ha, plus bridesmaid ako.” biro ko sa kanya.

"Tangik, ikaw nga ang isa sa mga bridesmaid ko, at ang kapatid ni Disney na si Dannelah ang maid of honor." malaki ang ngiting wika ni Gray sa akin.

"Good." nakangiti kong sagot.

ANG bilis ng byahe namin at nakarating na kami kaagad sa mall. Pumasok kami sa loob at pumunta sa isang isang jewelry shop dito sa Makati. Isa itong tanyag na jewelry shop. Nagtingin-tingin ako sa mga naka-display nila. Hindi ko tuloy maiwasan alalahanin ang nakaraan.

Flashback.

"Ano’ng ginagawa natin dito sa mall?" habol sa akin ni Yannah saka kumapit sa braso ko.

"Maghahanap ng wedding ring." mabilis kong tugon kay Yannah.

"What? Magpapakasal ka na?" na gulat na tanong sa akin no Yannah.

"Oo, sa kuya mo. Magpo-propose ako sa kan’ya." mabilis kong sagot sa tanong ni Yannah. Ngunit isang malakas na batok ang inabot ko mula sa kan’ya.

"Ang sakit no’n, Yannah. Huwag mo nang ulitin. Sasabunutan talaga kita dito sa loob ng mall." banta ko kay Yannah, ngunit inulit lang niya ang ginawa sa akin.

"Bakit ba? Ano ba ang problema mo?" inis na tanong ko.

"Ang problema ay ang pagkadesperada mo. May girlfriend ng bago si kuya. At itigil mo na ‘yang kagagahan mo." si Yannah.

"What? May girlfriend na naman siya? Ang sama talaga ng ugali ng kuya mo. Paulit-ulit niya na lang akong sinasaktan." wika ko kay Yannah. "Ang sakit talaga sa puso ‘yang kuya mo." dugtong ko pa.

"Tama na kasi ang pagiging tanga. Nagiging toxic kana sa mata ng lahat sa sarili mo pati kay kuya."

"Hindi maaari. Hindi ba ako maganda, Yannah? Hindi ba ako kaakit-akit? Sexy naman ako a. Matalino, mayaman at magaling sumayaw." ani ko kay Yannah at binuhat na rin ang aking sarili.

"Isa din sa ayaw ni kuya ang pagiging member mo sa cheer squad. Naghuhubad at nagpapakita ka daw kasi ng katawan mo sa maraming tao." malungkot na kwento sa akin ni Yannah.

"Ouch! Harsh naman niya. At least wala pang may nakakagalaw kasi naka-reserve ako sa kanya." proud ngunit nakangiwi kong wika.

"Tanga ka kasi." sagot sa akin ni Yannah saka ako kinurot sa tagiliran.

End of flashback.

Humawak ako sa crystal kung saan naka-display ang nagagandahan wedding ring. Nakatingin habang ang nasa isip ay sana si Yeshua ang kasama niya at wedding ring nila ang tinitignan at bibilhin nila. Nag-angat ako ng tingin saka tumingin kay Grayton na busy sa kakatingin. Dahil sa naawa na ako sa kanya tila gagabihin kami sa kakahanap dahil sa dami at nagagandahang display ng wedding ring. Talagang mapapisip ka mapapahinyang ka kapag hindi mo bilhin. Tinawag ko ang isang saleslady at hiningian ito ng brochure para sa best designs nila. At ng maibigay na sa akin ng saleslady agad kong tinawag si Grayton at pinaupo sa tabi ko.

"Diyan ka maghanap." ani ko saka bigay sa kanya ang isang pang kaparehong brochure.

"Diyan na tayong dalawa ikaw ang tumingin sa right at ako sa left." suhestiyon ni Grayton saka inilapag sa tabi nito ang isa pang brochure.

"Okay, sige."

Binuklat ko ang unang pahina ng brochure at sa simula palang manghang-mangha na ako sa mag designs.

"Pak! Bet." wika ko kay Grayton saka lumingon dito. Isang silver wedding ring na may maliliit na heart shapes sa ring band at malaking bato sa gitna.

"This is perfect! The small heart shapes diamond looks elegant and love." wika ko na nakangisi. Pero nong tinignan ko ang price nalula ako. 'One million one hundred thousand and thirty three pesos.' "Huwag nalang pala yan." ani ko kay Grayton saka lumingon dito. Ngunit sa paglingon ko kay mukha ni Yeshua ang nakita kong katabi ni Gray. 'Ano’ng ginagawa niya dito?' tanong ko sa utak ko.

Halos mabitawan ko ang brochure na hawak ko ng makita ko ang ngiting sumilay sa labi ni Yeshua habang nakatingin sa akin.

Dug dug.

My heart beat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming My Desire   Chapter Eight

    GABI na nang maka-uwi kami ni Grayton sa bahay nila. Hinintay pa namin kasi ang issuance ng wedding ring. Kaya heto, pagod at antok. Parang ayaw ko nang gumalaw pa. Suot ko kabibili lang namin kanina na nighties. Isang kulay brown at ang ganda sa balat ng tela. Napangiti ako habang dinadama ang kalambutang ng tela. Hanggang sa nakatulugan ko na at hindi alintana ang pagpasok ng isang tao sa loob ng aking kwarto. Maingat sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin sa pagtulog. --------TATLONG araw na akong walang trabaho, dahil nag-resign na ako. Iyon naman ang gusto ni Yeshua, ang mawala ako sa kumpaniya niya. Ang mawala ako sa paningin niya. Kaya nandito lang ako sa condo ko, nakahilata maghapon. Naisipan ko din pala na nag-aaral magluto. Kahapon basang-basa ako dahil sa tumunog ang smoke detector at sumunod naman ang fire sprinkler. Imbes na magluto lang sa kusina ko, mukhang lulutuin ko pa ang buong building. Mukhang makukulong pa ako kasong arson. Mabuti at mabilis naman si

  • Taming My Desire   Chapter Seven

    SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad. "Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver

  • Taming My Desire   Chapter Six

    NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut

  • Taming My Desire   Chapter Five

    FIVE YEARS AGO."Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang

  • Taming My Desire   Chapter Four

    “ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin."Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito."Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata. "Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman. "Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.

  • Taming My Desire   Chapter Three

    "THREE years ago, pinagkasundo ako ni daddy kay Grayton, but that case is solved. Kaya imbes ako sa pinsan ko na siya pinagkasundo." sagot ko kay Yannah. "Ang nakalap mong balita ay lipas na, hindi ka p’wedeng maging tsismosa." dugtong ko pa. Napapadyak ng paa si Yannah ng marinig ang sinabi ko at tila naiiyak na naiinis. "Kainis ka naman, paraan na sana ‘yon para makuha mo si kuya. Ang gamitin si Grayton para pagselosin siya tapos, na wow mali pala ako. Kagigil."wika ni Yannah na parang bata na nagpapadyak. Kaya napatawa ako. "Akala ko ba hahanapan mo ako ng lalaki? Bakit nanggigil ka diyan? Tapos gagamitin mo pa si Grayton para pagselosin si Yeshua. Akala ko ba pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sa kuya mo?" ani ko pa. "Hey! Tss. Nakakainis lang talaga si kuya. At isa pa boto ako sayo e." ani pa niya saka lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko. "Minsan napapisip ako." "Na ano?" si Yannah."Dapat siguro ikaw na lang ang ligawan ko." ani habang pilit iniipit ang pagtawa.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status