로그인SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad.
"Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver wedding ring with green stone na may diamond sa paikot ng ring band. "I love this so much, Gray." wika ko kay Grayton ngunit nahinto iyon ng may ibinulong siya sa akin. "Sabihin mo kay Yeshua ‘yan." bulong sa akin ni Grayton saka ngumiti habang ako ay biglang sumimangot. Tinapunan ko nang mabilis si Yeshua nang bigla na lang itong umubo-ubo sa tabi ni Grayton. 'May lagnat yata ang lalaking to.' sa isip ko. "Gusto ba ni Disney ‘yan?"pabulong na tanong sa akin ni Grayton. Ang lakas din nang tama ng lalaking ito, p’wede naman niyang sabihin sa akin ng maayos may pabulong-bulong pa na nalalaman. Maya-maya ay muki kong narinig ang pag-ubo ni Yeshua. Tumingin ako kay Yeshua saka sinamaan ito ng tingin. "Mr. Ventura, you can leave naman po kung masama po ang pakiramdam ninyo." pormal na pormal kong wika ka kay Yeshua ngunit umiling lang ito. "Are you sure, Bro? Mukhang kanina kapa ubo nang ubo diyan." si Grayton saka tumingin sa akin at kumindat. Napatingin ako kay Grayton, naghihinala. Sinundot ko nang mahina ang tagiliran nito rason para tumingin siya sa akin. Tiningnan ko siya with 'what are you doing look' ngunit hindi ako sinagot ni Grayton. Saka kinuha ang brochure sa akin ipinakita sa babaeng nag-assist sa amin kanina. Bibilhin niya ang nagustuhan kong ring. Actually, hindi ko gusto ang ring na iyon, kundi si Disney. Alam ko ang gusto ng pinsan ko, hindi ko lang maiwasan na mas ma-excite. Pero maganda naman talaga ang singsing. Also, Disney's favorite color is green. Ang gusto kong design is ‘yong may heart shapes diamond sa ring band. "Bro, mas maganda ang isang ito." habol na wika ni Yeshua kay Grayton. "Ito na lang. Ito ang gusto ni Desi, kaya ito ang bibilhin ko." sagot ni Grayton kay Yeshua saka muling kinausap ang babaeng taga-assist. Bumalik sa upuan si Yeshua at ngayon ay nasa tabi ko na siya umupo. "Kapag ako ang ikakasal bibilhin ko sa mapangasawa ko iyong pinakamahal na singsing." dinig kong wika ni Yeshua na naghatid sakit sa aking puso. Nakasimangot at nanunulis ang aking labing nagsalita para salungatin siya. "Sa’yo naman iyon, Mr. Ventura, hindi kay Gray." sagot ko. Tumingin sa akin si Yeshua na seryoso ang mukha. "Pakialam ko kung kasal niya? Sa gusto ko magsalita, e." iritadong sagot ni Yeshua sa akin. "O di ‘wag kang mangialam." sagot ko naman sabay irap. "Kasal nga naaagaw, ‘yon pa kayang naghahanda pa lang." makahulugang wika sa akin ni Yeshua sa akin. "Sa mga taong walanghiya ang pag-uugaling ‘yan. Sabagay wala ka namang hiya, kaya go lang." sagot ko saka tumayo at lumapit kay Gray. "Miss, kailangan within three days or week, mapa-deliver na ‘yan sa bahay." wika ni Grayton sa babae. "We will try, sir." sagot ng babae kay Gray. "Miss, please don't try, do it. Sa Sabado na kasi ang kasal namin." ani ko saka lumingkis sa braso ni Grayton. "Nawala lang kasi ang weeding ring namin kaya naghabol kami ngayon." ani ko sa babae at mas dumikit pa ako kay Grayton para kunwari ay totoo ang sinasabi ko. "Yes, Ma'am, ilalabas ko lang po ang mga papel na pipirmahan po ninyo. Kayo po muna ang i-prioritize namin." sagot sa akin ng babae saka ngumiti. "I-advance ko na ang greetings ko, best wishes po sa inyo." bati sa amin ng babae saka tumalikod. Si Grayton naman ay humalik sa ulo para mas makumbinsi namin ang babae. Ngunit panira si Yeshua. Kukuha na nga lang ng brochure sa gitna pa namin ni Grayton dadaan. At pinag-hiwalay pa talaga kaming dalawa para makadaan siya. Napasunod na lang kami ni Grayton ng tingin sa kanya. Para siyang tanga. "Sorry, Bro. May nakita lang kasi akong maganda kanina, kaya naisipan kung bilhin na lang para sa future wife ko." nakangising wika sa amin ni Yeshua sabay kuha ng brochure at bumalik sa upuan. ‘Siraulo itong h*nayupak na ‘to. Sarap itapon palabas ng shop.’ "Okay lang, Bro. Naiintindihan kita." sagot naman ni Grayton kay Yeshua habang ako ay palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nagkaka-intindihan kuno. ‘Tss. Mga siraulo.’ Lumayo ako kay Grayton at tumingin-tingin sa display, hanggang sa dumako ang mata ko sa isang silver and gold couple ring na wing design. Ang right wing ay sa lalaki at ang left wing ay sa babae. Nakangiting tinawag ko ang isang sales lady para ipakuha sa estante at para matignan ko kong kakasya sa akin ang isa. "Miss, let me see this couple ring with wings design. ‘Yong silver and gold po." ani ko sa babae. Nae-excite akong hawakan at tignan. Nang makuha na ng babae sa estante ay agad niyang iniabot sa akin at agad din namang dinaluhan. "Itong silver para sa akin at itong gold para sa jowa ko." nakangisi kong wika sa babae. "Ay naku, si ma'am in love." nanunuksong wika sa akin ng babae. "Slight." sagot ko naman na may malaking ngiti sa labi. "Magkano po ito, miss?" tanong ko. "Ahm, one hundred fifty thousand and two hundred ten pesos po ma'am." sagot sa akin ng babae. "Bibilhin ko ‘to." mabilis kong sagot saka hinanap ang bag ko. Ngunit wala akong makitang bag. Lumapit ako kay Grayton saka nagtanong. "Gray, did you see my bag? Nawawala ang bag ko kailangan kung magbayad ng binili ko." ingos kong wika kay Grayton. "Parang wala ka namang bag na dala kanina, Kamahalan." sagot sa akin ni Grayton. "What? Paano ko ‘to mababayaran? Gustong-gusto ko pa naman ‘to." wika ko kay Grayton at hindi ko maiwasang hindi mapapadyad ng paa. Tumawa ng mahina si Grayton dahil sa inasta ko. "Use this." wika sa akin ni Grayton sabay abot ng kan’yang gold card. Ako naman ay napangiti ng malaki sabay abot ng gold card ni Grayton saka bumalik sa babae. Ngunit paglingon ko ay nando’n na si Yeshua at kinakausap ang babae. 'Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito?' inis kong tinignan Yeshua saka binalingan ang babae. "Here's the card, Miss." wika ko sabay abot ng gold card ni Grayton. "Ma'am, bayad na po ni sir." sagot sa akin ng babae sabay abot ng black card kay Yeshua at inabot naman iyon ni Yeshua saka umalis at dire-diretsong lumabas ng shop. "What?" Bakit mo ponabayaran sa kanya?" gulat kong tanong sa babae. "Sabi po kasi ni sir, regalo niya daw po sa inyo." sagot naman sa akin ng sales lady. "At siya nga po pala ma'am, sa makalawa ko pa po ito ipa-deliver sa inyo, may kaunting aayusin lang po sa singsing." "Bakit may sira ba ‘yan? Mukhang wala naman. Hindi naman kayo nagdi-display ng defective diba?" tanong ko. "Hindi po, Ma'am. Nangyayari lang po iyon kapag may pinabago or ipapadagdag po ang bumili." paliwanag sa akin ng babae. "Iapapabago or ipapadagdag? E, perfect na para sa akin ang singsing." gulat kong wika sa babae. "’Yon po kasi ang request ni sir, ma'am." sagot sa akin ng babae. "Okay, po. Thank you." tanging nasabi ko nalang saka nakabusangot na umupo sa upuan.GABI na nang maka-uwi kami ni Grayton sa bahay nila. Hinintay pa namin kasi ang issuance ng wedding ring. Kaya heto, pagod at antok. Parang ayaw ko nang gumalaw pa. Suot ko kabibili lang namin kanina na nighties. Isang kulay brown at ang ganda sa balat ng tela. Napangiti ako habang dinadama ang kalambutang ng tela. Hanggang sa nakatulugan ko na at hindi alintana ang pagpasok ng isang tao sa loob ng aking kwarto. Maingat sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin sa pagtulog. --------TATLONG araw na akong walang trabaho, dahil nag-resign na ako. Iyon naman ang gusto ni Yeshua, ang mawala ako sa kumpaniya niya. Ang mawala ako sa paningin niya. Kaya nandito lang ako sa condo ko, nakahilata maghapon. Naisipan ko din pala na nag-aaral magluto. Kahapon basang-basa ako dahil sa tumunog ang smoke detector at sumunod naman ang fire sprinkler. Imbes na magluto lang sa kusina ko, mukhang lulutuin ko pa ang buong building. Mukhang makukulong pa ako kasong arson. Mabuti at mabilis naman si
SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad. "Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver
NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut
FIVE YEARS AGO."Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang
“ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin."Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito."Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata. "Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman. "Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.
"THREE years ago, pinagkasundo ako ni daddy kay Grayton, but that case is solved. Kaya imbes ako sa pinsan ko na siya pinagkasundo." sagot ko kay Yannah. "Ang nakalap mong balita ay lipas na, hindi ka p’wedeng maging tsismosa." dugtong ko pa. Napapadyak ng paa si Yannah ng marinig ang sinabi ko at tila naiiyak na naiinis. "Kainis ka naman, paraan na sana ‘yon para makuha mo si kuya. Ang gamitin si Grayton para pagselosin siya tapos, na wow mali pala ako. Kagigil."wika ni Yannah na parang bata na nagpapadyak. Kaya napatawa ako. "Akala ko ba hahanapan mo ako ng lalaki? Bakit nanggigil ka diyan? Tapos gagamitin mo pa si Grayton para pagselosin si Yeshua. Akala ko ba pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sa kuya mo?" ani ko pa. "Hey! Tss. Nakakainis lang talaga si kuya. At isa pa boto ako sayo e." ani pa niya saka lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko. "Minsan napapisip ako." "Na ano?" si Yannah."Dapat siguro ikaw na lang ang ligawan ko." ani habang pilit iniipit ang pagtawa.







