로그인GABI na nang maka-uwi kami ni Grayton sa bahay nila. Hinintay pa namin kasi ang issuance ng wedding ring. Kaya heto, pagod at antok. Parang ayaw ko nang gumalaw pa. Suot ko kabibili lang namin kanina na nighties. Isang kulay brown at ang ganda sa balat ng tela. Napangiti ako habang dinadama ang kalambutang ng tela. Hanggang sa nakatulugan ko na at hindi alintana ang pagpasok ng isang tao sa loob ng aking kwarto. Maingat sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin sa pagtulog. --------TATLONG araw na akong walang trabaho, dahil nag-resign na ako. Iyon naman ang gusto ni Yeshua, ang mawala ako sa kumpaniya niya. Ang mawala ako sa paningin niya. Kaya nandito lang ako sa condo ko, nakahilata maghapon. Naisipan ko din pala na nag-aaral magluto. Kahapon basang-basa ako dahil sa tumunog ang smoke detector at sumunod naman ang fire sprinkler. Imbes na magluto lang sa kusina ko, mukhang lulutuin ko pa ang buong building. Mukhang makukulong pa ako kasong arson. Mabuti at mabilis naman si
SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad. "Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver
NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut
FIVE YEARS AGO."Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang
“ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin."Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito."Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata. "Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman. "Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.
"THREE years ago, pinagkasundo ako ni daddy kay Grayton, but that case is solved. Kaya imbes ako sa pinsan ko na siya pinagkasundo." sagot ko kay Yannah. "Ang nakalap mong balita ay lipas na, hindi ka p’wedeng maging tsismosa." dugtong ko pa. Napapadyak ng paa si Yannah ng marinig ang sinabi ko at tila naiiyak na naiinis. "Kainis ka naman, paraan na sana ‘yon para makuha mo si kuya. Ang gamitin si Grayton para pagselosin siya tapos, na wow mali pala ako. Kagigil."wika ni Yannah na parang bata na nagpapadyak. Kaya napatawa ako. "Akala ko ba hahanapan mo ako ng lalaki? Bakit nanggigil ka diyan? Tapos gagamitin mo pa si Grayton para pagselosin si Yeshua. Akala ko ba pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sa kuya mo?" ani ko pa. "Hey! Tss. Nakakainis lang talaga si kuya. At isa pa boto ako sayo e." ani pa niya saka lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko. "Minsan napapisip ako." "Na ano?" si Yannah."Dapat siguro ikaw na lang ang ligawan ko." ani habang pilit iniipit ang pagtawa.







