공유

Chapter Two

last update 게시일: 2026-05-22 09:41:52

ALAS diez na ng gabi at lahat ng empleyado dito YMV ay nakaalis na, pati si sir Yeshua ay maagang umalis. At ako na lang ang naiwan dito sa loob. Hinubad ko ang suot kong blazer pati ang puting t-shirt, tanging sports bra na kulay itim na lang ang natira.

Hinubad ko rin ang black pants na suot ko at sinuot ang isang black leggings. Mage-exercise lang ako kasama ng pamangkin kong 10 years old na nasa ibang bansa. Si Amelie. Si Amelie ay anak ng kapatid kong panganay. Mas pinili nilang tumira sa Canada kaysa dito sa Pilipinas, mas maganda kasi ang benefits doon kaysa dito.

Kinuha ko ang nakatabi kong mat for my exercise habang tinatawagan ko si Amelie via I*******m. Mabuti naman at sinagot kaagad ni Amelia ang tawag ko.

"Hi, my dear Amelie. Are you ready for our exercise?" nakangiti kong tanong sa pamangkin ko, habang nakangisi naman itong nakaharap sa screen.

"Yeah, I am tita Des." sagot sa akin ng pamangkin ko sabay pakita ng suot at mat nitong nakahanda na. Halos dalawang taon na naming ginagawa ‘to ni Amelia, nagsimula lang itong mag-exercise ng mahumaling ito sa sports.

"We need to warm up before we start the routine, Amelie." ani ko at nagsimula ng igalaw-galaw ang kamay, paa, ulo at katawan.

"You know tita, there's a guy always asking me of your whereabouts." kuwento sa akin ni Amelie. Napakunot ang aking noo dahil sa narinig habang patuloy parin sa pagwa-warm up.

"And who's this guy?" nagtataka kong tanong.

"I dunno, Tita, when he ask me again I will ask his name."

"Please, do that honey." nakangiti kong wika kay Amelie at tumango naman ito sa akin. "Please turns up your music Amelie. I almost can't hear it." Nawala sa screen si A elie alam kong pinalakasan nito ang music dahil na din sa bigla nitong paglakas. Magkakarinigan pa rin naman kami dahil pareho kaming naka-earbuds.

Pawis na pawis na kami pareho ni Amelie. Ngunit patuloy pa rin kami sa aming ginagawa. Nakatuwad ako ngayon habang ang mga kamay ko ay nakalapat sa mat at ini-angat ang kaliwa kong paa. Nang bigla na lang may nakita akong taong nakatayo sa aking harapan.

Si Yeshua. Shit!

Buwisit, papasok na nga lang dito sa opisina, sa posisyon na ‘to niya ako makikita. Nakakahiya! Nagmumukha akong aso na umiihi. Mabilis akong tumayo at dali-daling pinatay ang aking cellphone. Mahirap ba baka makita ni Amelie na may kasama akong lalaki at isumbong pa ako kay daddy. Lalo na't si Yeshua ang nasa harapan ko.

"What the heck, are you doing here?” kunwari ay galit kong tanong kay Yeshua.

"And who gives you permission na puwede kang maghubad dito sa company ko?" galit din ang boses na tanong nito sa akin.

"For your information, Mr. Ventura. Nandito ako ngayon dahil sa pina-urgent mong trabaho at natapos ko na iyon. Sumasakit lang ang katawan ko at sa tingin ko exercise ang kailangan. And, here I am." sagot ko sa kan’ya sabay turo sa suot ko na pinasadahan din nito ng tingin. “Like what you see?"

"Umuwi ka na, bago pa kita ipakaladkad sa guwardiya. And piece of advice, Miss Desiree Bonaverde, mag-resign ka na." wika nito saka muli pinasadahan akong pinasadahan ng tingin na tila hinuhusgahan ang buo kong pagkatao.

"I'm sorry, Mister, I won't and never, never and never na magre-resign. Aalis lang ako sa kumpanya mo kapag sinabi na ng ama mo. At kung sakaling mag-asawa ka na... sa akin. Tayo.” ani ko saka kumindat sa kan’ya, habang tinuturo ang sarili ko at siya. Akala niya, ha. Hindi niya ako mabu-buwisit. Siya kamo, parang gusto na nga niya akong saktan base sa tingin niya sa akin.

"In your dreams! Kahit maka-biente na henerasyon pa tayo hinding-hindi kita magugustuhan." sagot nito sa akin saka tumalikod at nilayasan ako.

Ang gago na ‘to, lagi na lang akong sinasaktan. Pinunasan ko ang mga pawis na tumutulo sa aking katawan pati na rin ang luhang pumatak mula sa aking mga mata. Akala ko ba naniniwala siyasa true love? Ang gago na Yeshua na ‘yon e, bakit may lipstick siya sa pisngi? Scammer!

"Suplado, babaero, manloloko." mariin kong wika habang pinapahiran ang mga tumutulong luha sa mga mata ko. Brokenhearted na naman ako.

----------

"Miss Desiree, kailangan na daw ni sir Yeshua ang pinapagawa sa’yo." wika sa akin ni Mina.

"Galing ka ba sa office niya, Mina?" tanong ko dito.

"Opo, Miss. Medyo kabado nga ako sa sinubmit kong report. Nakita ko ang pagsalubong ang kilay ni, Sir.” kinakabahan na wika sa akin ni Mina.

"At bakit naman? Dapat confident ka sa report mo. Report mo ‘yan, e, at paulit-ulit mo nang ginagawa ‘yan."

"Iyan nga Miss, e, bigla na lang kasi akong nakaramdam ng takot." ani pa nito.

"Huwag ka ng kabahan, puntahan ko na ang boss natin na may regla araw-araw." biro ko para maibsan ang kaba sa dibdib nito. Mabuti naman at napangiti ko siya. "Bumalik ka na sa table mo, ako na ang bahala kay sir Yeshua." ani ko pa kay Mina at saka tinapik ko siya sa balikat. Sumunod naman ito sa sinabi ko at bumalik na ito sa puwesto niya.

Kinuha ko ang dalawang folder para ibigay kay baby ko Yeshua. Pero bago pa man ako lumabas ng office ko, tinanggal ko ang pagkatali ng aking buhok at hinayaang bumagsak ang aking pinagawang paalon-alon na buhok in short pinakulot ko, two months ago. Mabuti na lang at isang black mini skirt ang suot ko na may zipper sa bandang kaliwa. Binuka ko ang zipper para makita ang makinis at maputi kong balat.

Inayos ko ang strap ng aking bra at bahagyang inayos ang cup nito. Baka kasi may ilalaki pa itong malaki kong boobs. Hinubad ko ang suot kong blazer at pinalitan ko ng black na scarf, syempre kailangan kong ilantad ang makinis at pantay kong balikat kay Yeshua. My body is perfect, my face is perfect, medyo ang ugali lang ang hindi perfect.

Napangiti ako sa huli kong naiisip. Well, may kunting sayad nga ako at heto naghahabol ng limang taon sa lalaking paulit-ulit na lang akong sinasaktan at hinuhusgahan.

Lumabas na ako sa aking opisina at dumiretso na sa office nito. Hindi na ako kumatok pa kasi ang alam kong pinapatawag niya ako so, expect niya na, na darating ako. Pa-sexy na naglakad ako papasok ng office ni Yeshua ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Long time no see, Desiree." Napangiti ako ng maulinigan ko ang boses at alam ko kong sino iyon. Lumingon ako para harapin ang aking kaibigan.

"Oh my god! You’re here!” masaya kong wika saka yumakap kay Yannah. Si Yannah ay kapatid ni Yeshua. Iginala ko ang aking paningin para makita si Yeshua, but none. Tinanggal ko anb mga kamay kong nakayakap kay Yannah at pinasadahan siya ng tingin ang suot nito. "You look stunning, Honey." puri ko sa kaniya.

"You look sexier and beautiful every time we meet, Des. Wazzup?" nakangiting wika sa akin ni Yannah saka yumakap ulit sa akin nang mahigpit.

“Why are you here?”

"For war.” sagot ko. I am in a war zone." nakangisi kong wika kay Yannah saka tumingin sa direksiyon ni Yeshua ngunit wala pa rin siya sa table niya. Mabuti naman at hindi niya narinig ang mga sinabi ko.

"He's in the comfort room, Des." ani sa akin ni Yannah. At saka ako iginaya paupo sa sofa na nasa loob ng opisina ni Yeshua. "Kumusta ka ng babae ka? Ano, may development na ba sa panliligaw mo sa Kuya ko?" nakangising tanong nito sa akin.

Malungkot na buntong hininga ang isinagot ko kay Yannah at nakuha din naman nito kaagad ang ibig kong ipahiwatig.

"It's okay, Des, marami pa namang lalaki sa mundo. Kung ayaw sa’yo ng kuya ko, gawan natin ng paraan ‘yan." wika sa akin ni Yannah saka niyakap ako ng mahigpit. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko kay Yannah nang maulinigan ko ang mga yabag na papalapit sa puwesto ni Yeshua.

"Your tiger brother is here." bulong ko kay Yannah saka tumayo at lumapit kay Yeshua.

"Good morning sir Yeshua, the proposal is here and also the results." wika ko sabay abot ng dalawang folder kay Yeshua. Ni hindi man lang ako tinignan ng ulupong at pahablot pa nitong kinuha sa kamay ko ang dalawang folder. Tsk. My menstruation na naman siya.

"Where's the proposal for the advertisement?" may bahid nainis nitong tanong saka magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin.

"Sir, binigay na po sa’yo kanina ni Margaux." sagot ko.

"Ah, iyong basurang papel na ‘yon.'' wika nito saka kinuha ang folder.  Proposal na ba ito para sa’yo?" halos pasigaw na wika sa akin ni Yeshua with hampas pa ng kamay sa mesa.

"Little brother easy lang." wika ni Yannah kay Yeshua saka lumapit sa amin.

"Anong little brother, Yannah? Ako ang panganay hindi ikaw." pabulyaw na sagot nito kay Yannah na tinirikan naman ng mata ni Yannah.

"You're acting like a child, Kuya. Let me see the folder." wika ni Yannah at aktong kukunin nito ang folder ngunit inilayo nito sa kapatid. "You're weird." asik ni Yannah saka inirapan si Yeshua at nakahalukipkip na bumalik sa sofa.

"Get out of here." malamig na wika sa akin ni Yeshua at gaya ng sinabi niya tumalikod na ako at humakbang papalayo ngunit bago pa man ako makalabas narinig ko ang tinig ni Yannah.

"Huwag mong hanapin si Desiree, lalabas kami." anito saka patakbong lumapit sa akin saka pinulupot sa braso ko ang kamay nito. "Bye, tiger brother." paalam ni Yannah sa kapatid saka hinatak ako patakbo dahil sumunod sa amin ang isang libro na binato nito.

"Siraulo talaga ang kapatid ko, tapos nagkagusto ka pa don?" nanunulis ang mga labi na wika sa akin ni Yannah. "Forget him, ihahanap kita ng mas pogi, macho, matalino, mayaman at maginoo." dugtong pa ni Yannah saka tila nangangarap na iniangat sa ere ang dalawang kamay. Kaya nga naging magkaibigan kami. Pareho kaming siraulo.

Nakangiwi akong lumayo kay Yannah at tuloy-tuloy na pumasok sa office ko. Habang ito ay naghahabol sa akin.

"Shit ka Desiree, bakit mo ako iniwan?" tanong nito sa akin habang humahabol sa akin. Binabati siya ng mga katrabaho ko at ngumingiti naman siya sa mga ito.

"Mag-day dreaming ka lang sa hallway baka kasi makatisod ka ng isang pogi, macho, matalino, mayaman at maginoo."ani saka ginaya ang ginawa nito kanina. Pumasok na ako sa loob ng office at umupo sa swivel chair ko. Habang si Yannah ay umupo sa ibabaw ng mesa ko.

"Pinapahupa ko lang yang inis mo kay kuya." malungkot na wika ni Yannah sa akin. "Seryoso ako Desiree. Kalimutan mo na si kuya, wala naman siyang magandang naidulot sayo kundi puro pasakit." seryosong mukha na wika ni Yannah. Tinignan ko siya saka umirap.

"Ba't ka ba kasi umuwi? Dinadagdagan mo lang ang sakit sa puso ko dahil diyan sa sinasabi mo." ingos ko.

"Tanga ka naman kasi." sikmat nito sa akin. "At may na-discover akong sekreto mo." ani nito saka bumaba sa pagkakaupo sa ibabaw ng mesa ko at nameywang na humarap sa akin.

"Anong sekreto ko na ‘yan? Sinasabi ko naman lahat sayo a." sagot ko.

"Bakit di mo sinabi sa akin na pinagkasundo ka pala ni tito Zaldy kay crush ng campus Grayton Imperial?"  Nahigit ko ang aking hininga dahil sa sinabi nito. At napabuga ng hangin ng makahuma na. Napasandal ako sa aking upuan at tumingala sa kisame.

Three years ago ng ipagkasundo kami ni Grayton Imperial na magpakasal, dahilan para lumayas ako sa amin dahil ayokong makasal sa kan’ya. Hindi ko mahal si Grayton dahil noon pa man ay si Yeshua na ang gusto ko.

Five years ago ng makilala ko ang isang matipunong lalaki sa bahay ng mga Ventura. Nakasuot ito ng maong short at nakasando habang tinutulungan ang katulong na nagdidilig ng mga bulaklak sa garden ng mga ito. Nakita ko ang matamis nitong ngiti habang nakatingin sa mga bulaklak. At ng araw ding iyon ay nabihag niya ang aking puso. Yeshua Ventura. Ang lalaki na aking pinapantasya. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko kayang magmahal ng ibang lalaki.

"Paano mo nalaman?"

"Sa daddy mo. Doon kasi ako tumuloy sa inyo sa Canada noong pumunta ako doon. Kasi nasa England si daddy. Ayokong mag-isa sa bahay kaya siniksik ko ang sarili ko sa inyo, and I met him." mahabang kwento ni Yannah sa akin.

"You met who?"

"Grayton Imperial."

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Taming My Desire   Chapter Eight

    GABI na nang maka-uwi kami ni Grayton sa bahay nila. Hinintay pa namin kasi ang issuance ng wedding ring. Kaya heto, pagod at antok. Parang ayaw ko nang gumalaw pa. Suot ko kabibili lang namin kanina na nighties. Isang kulay brown at ang ganda sa balat ng tela. Napangiti ako habang dinadama ang kalambutang ng tela. Hanggang sa nakatulugan ko na at hindi alintana ang pagpasok ng isang tao sa loob ng aking kwarto. Maingat sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin sa pagtulog. --------TATLONG araw na akong walang trabaho, dahil nag-resign na ako. Iyon naman ang gusto ni Yeshua, ang mawala ako sa kumpaniya niya. Ang mawala ako sa paningin niya. Kaya nandito lang ako sa condo ko, nakahilata maghapon. Naisipan ko din pala na nag-aaral magluto. Kahapon basang-basa ako dahil sa tumunog ang smoke detector at sumunod naman ang fire sprinkler. Imbes na magluto lang sa kusina ko, mukhang lulutuin ko pa ang buong building. Mukhang makukulong pa ako kasong arson. Mabuti at mabilis naman si

  • Taming My Desire   Chapter Seven

    SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad. "Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver

  • Taming My Desire   Chapter Six

    NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut

  • Taming My Desire   Chapter Five

    FIVE YEARS AGO."Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang

  • Taming My Desire   Chapter Four

    “ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin."Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito."Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata. "Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman. "Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.

  • Taming My Desire   Chapter Three

    "THREE years ago, pinagkasundo ako ni daddy kay Grayton, but that case is solved. Kaya imbes ako sa pinsan ko na siya pinagkasundo." sagot ko kay Yannah. "Ang nakalap mong balita ay lipas na, hindi ka p’wedeng maging tsismosa." dugtong ko pa. Napapadyak ng paa si Yannah ng marinig ang sinabi ko at tila naiiyak na naiinis. "Kainis ka naman, paraan na sana ‘yon para makuha mo si kuya. Ang gamitin si Grayton para pagselosin siya tapos, na wow mali pala ako. Kagigil."wika ni Yannah na parang bata na nagpapadyak. Kaya napatawa ako. "Akala ko ba hahanapan mo ako ng lalaki? Bakit nanggigil ka diyan? Tapos gagamitin mo pa si Grayton para pagselosin si Yeshua. Akala ko ba pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sa kuya mo?" ani ko pa. "Hey! Tss. Nakakainis lang talaga si kuya. At isa pa boto ako sayo e." ani pa niya saka lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko. "Minsan napapisip ako." "Na ano?" si Yannah."Dapat siguro ikaw na lang ang ligawan ko." ani habang pilit iniipit ang pagtawa.

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status