로그인
“SIR Yeshua, alam mo ba ang ibig sabihin ng love?” tanong ko. Nandito kasi ako ngayon sa loob ng office niya at ginugulo ko siya. Papansin ba.
Galit na tumingin sa akin si Yeshua at saka nagsalita. “Hindi ko alam.” nakasimangot na sagot nito sa akin. “Kasi para sa akin— hindi kita tinatanong.” agaw nito sa sasabihin ko. Talagang ayaw nito marinig ang kalandian ko. “Sa susunod, huwag mo akong tanungin o kausapin sa mga walang kuwentang bagay.” dagdag pa ni Yeshua. “Gusto ko lang naman sabihin na ang love ay ikaw.” malungkot kong wika sabay talikod. Ngunit mabilis din akong humarap saka ngumisi nang malaki. “I love you.” halos pasigaw kong wika sabay takbo palabas. Hinahabol na kasi ako ng sapatos na binato sa akin ni Yeshua. Mabuti na lang mabilis ako, pinraktis ako nang malala ni Yeshua. KINAUMAGAHAN. Mabilis ang mga hakbang kong papalapit ng opisina ni Yeshua, nasa loob daw kasi ang bruhang babae na kaagaw ko sa kanya. Wala akong pakialam, kahit anak pa ng boss ko ang kaagaw ko kay Yeshua. Agatha’s father is Yeshua's investor, rason para malayang makalabas at pasok dito si Agatha. Hindi lang ‘yan ang rason, kundi para landiin si Yeshua. Plus Yeshua owns this company, kaya alam ko, kung ano ang niluluto nilang plano. Hahadlangan ko sila, dahil si Yeshua ay para lamang sa akin. I, Desiree Bonaverde hindi palalamang sa mayayaman. Alam kong hindi nila ako kauri pero pagdating kay Yeshua ibang usapan na ‘yan. Bitbit ko ang isang blue folder na naglalaman ng proposal galing sa ibang kumpanya. Malaking alibi na ito para madistorbo ko ang dalawa. Inipit ko sa aking tuhod ang dala kong folder para maayos ko muna ang aking sarili. Kanina ang white double collar-shirt button-down with long sleeves ko ay naka-butones hanggang sa leeg, ngayon ay halos labas ang aking dibdib. In-unbotton ko na rin ang sa ibabang manggas at itinali iyon saka isiniksik ang dulo sa gilid. Life hacks kaya ‘to. How to be sexy in one minute? Itinaas ko din ng kaunti ang aking pulang skirt na kanina ay lagpas tuhod, ngayon ay nasa kalahati na ng hita ko. Pa-sexy-han ang labanan? Hinding-hindi ko siya aatrasan. This is it. The war between love has now started. Kinuha ko ang folder na nakaipit sa tuhod ko saka kumatok sa pinto. Narinig ko naman ang boses ng bruhang babae na malandi kong tumawa. Sarap sabunutan at balatan. Nilalandi ko si Yeshua Ventura pero hindi ako malandi tumawa. Nalaman kong ayaw ni Yeshua sa ganon dahil kaibigan ko ang kapatid niyang Yanna, kaya malaki ang advantage ko kahit papano. "Come in." narinig kong wika ni Yeshua mula sa loob. Pinraktis ko muna ang aking pagngiti saka ako pumasok at ang napag-praktisan ko ay siyang nakaguhit ngayon sa aking mga labi. "Good morning sir, Yeshua." bati ko sa kanya saka tinaponan ng tingin ang karibal ko. "O, hi, Des. How are you?" bati sa akin ng walang hiyang babae. Alam ko naman na kaplastikan lang ang pinapakita sa nito sa akin. Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang, bagkus inabot ko ang folder kay Yeshua na ngayon ay nakatingin sa folder at hindi sa akin. "What's this?" magkasalubong ang kilay ma tanong nito sa akin. Heto na naman siya, bakit ba kasi amg init ng dugo niya sa akin? Paano ko mapaparamdam at mapapalasap sa kanya ang pagmamahal ko, kung ganito siya palagi sa akin? "This is the proposal from Al Sari company, Sir." dumukwang ako nang kaunti para maiabot ko sa kanya ang folder. Syempre, medyo binabaan ko na ang pagdukwang, ‘yong kita-kita ang umbok ng dibdib ko na dalawang botones ang naka-bukas. "Nakasaad diyan sa proposal na iyan, na sila daw ang magsu-supply sa atin ng semento, bakal, lubricant at iba pa. Para sa bagong itatayo niyong hotel sa Sampaloc area, at sa lahat ng branches mo kung saka-sakali." mahaba kong paliwanag. Kinuha ni Yeshua sa kamay ko ang proposal at tinignan iyon na hindi man lang nagsalita. Hindi man lang ako inimbitahan umupo, masakit na kaya ang paa ko. Dahil sa sakit ng paa ko umupo ako sa upuan na kaharap ng table nito saka ibinalik ang tingin sa kanya. Ngunit tila wala yatang balak kausapin ako kaya si Agatha muna ang binalingan ko. Bago ko kausapin si Agatha, bahagya kong itinaas pa ang aking skirt, kung titingin man sa puwesto ko si Yeshua, makita din niya ang maganda, makinis at mahaba kong legs. "Oh, hi Agatha. Nakita kita nakaraan sa mall, may kaakbay kang lalaki. Sino yon?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. At sinadaya ko talagang iparinig iyon kay Yeshua. "Ikaw talaga Desiree, hanggang ngayon tsismosa ka rin pala.” sagot ni Agatha sa akin na may hilaw na tawa. “Hindi ko nga alam kung sino ang tinutukoy mo. Huwag kang magsalita nang wala kang proof." nanggigil na sagot nito sa akin. "So, hindi ikaw ‘yon. Tatawagan ko pa sana si Benedict, para itanong sa kaniya kung hanggang saan ang narating niyo." wika ko ulit at saka ngumiti na nang-aasar. Totoo naman na nakita ko silang dalawa ni Benedict sa mall. Magkaakbay pa nga. Si Benedict Chua ay isang Chinese businessman, na may ilang branches dito sa Manila. Siya ang may-ari ng Chua Hotel at ilang sikat ng restaurant sa buong Pilipinas. "Shut up, Desiree! Sinasabi mo lang ‘yan dahil alam mong ako ang pipiliin ni Yeshua at hindi ikaw." halos pasigaw nitong wika sa akin habang dinuduro-duro." Tumikwas ang kilay ko saka pinasadahan ko siya ng tingin. "Hindi ko alam kung bakit pumapatol si Yeshua sa bilasang isda." ani ko na nakangiti at tumingin kay Yeshua. Nagkasalubong ang aming mga mata. Oh my gosh! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Dug dug dug. Shutakils, ampogi niya talaga. Napahawak ako sa aking puso habang nakatingin pa rin sa kanya. "Desiree, leave. Ayoko sa empleyado na bastos." mariin nitong wika saka tinuro sa akin ang pinto. Ngumiti ako kay Yeshua saka tumayo. "Then, eat your bilasang isda." wika ko sa kanya saka umalis na. Pero bago pa man ako tuluyang umalis inangat ko ang aking hinlalato sa kay Agatha. At muling tumingin kay Yeshua saka nag-flying. "Kiss from fresh." wika ko sa kanya saka kindatan ito at pakimbot na naglagad palabas ng opisina nito. Narinig ko pa ang explanation ni Agatha tungkol sa sinabi ko. Tsk. "One point ka ngayon, baby Desiree." ani ko sa sarili ko saka sumayawsayaw habang naglalakad. -------- "OH my god, it's 3:30pm na, hindi pa ako nakapag-lunch." bulalas ko habang nakatingin sa maliit orasan na nakapatong sa lamesa ko. Bilang head ng marketing andami kong trabaho. Halos lahat kasi na project ng team dumadaan sa akin for checking. Kaya palagi kong nakakalimutan kumain, dahil sa nakasobsob na ako sa trabaho. Lumabas ako ng office ko at nakikita ko ang mga subordinates ko na nagmemeryenda. "Ano’ng pagkain na mayro’n kayo diyan, Guys?" tanong ko sa kanila habang himas-himas ang aking umiingay na tiyan. "Pizza, Miss Desiree." halos magkasabay na wika nila. Lumapit ako sa kanila at saka sumilip sa box ng pizza kong may tira pa. "Wala na ba?"tanong ko sa kanila ng makita kong isa na lang ang natira. "Apat na box ang inorder namin Miss Desiree, alam namin na wala ka pang kain." sagot sa akin ni Margaux na ikinangisi ko. "David, ilabas mo na amg isang box." utos ni Margaux kay David na boyfriend niya. Okay lang sa Company ni Yeshua magtrabaho ang mag-jowa, basta hiwalay ang personal na isyu sa trabaho. Sa ibang company kasi bawal, makaka-apekto daw kasi ito sa performance ng empleyado. Nagiging iba daw kasi ang ugali lalo na kung nag-aaway or naghiwalay. Pero para sa akin hindi iyon komplikado, kundi inspirasyon. "Here, Miss Desiree." wika sa akin ni David habang inaabot sa akin ang isang box ng pizza. "Thanks." pasalamat ko sa tinanggap ang pizza at inilapag sa ibabaw ng mesa saka binuksan. Nang mabuksan ko na, kumuha ako ng isang slice at sumubo. "Wala man lang kayong pantulak nito?" nakangiti kong tanong sa kanila. "Naku, naubos na namin ang soft drinks na binili namin, Miss Desiree." sagot sa akin ni Farrah. "Okay lang, may soft drinks din naman ako sa office ko. sagot ko. "Tinanong ko lang kayo kasi may apat akong bote na tag-2 liters sa tabi ng table ko, sa bandang gilid. " dugtong ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Akala ko nanghihingi ka sa amin." si Erron. Ngumit ako at saka umiling habang nakakagat sa pizza. 'Nope, sino pa ang may gusto?" P’wede kayong kumuha, may ice din sa mini ref ko. Dalhin niyo dito." ani na kaagad namang tumalima si David. "Andami mong baon palagi na pagkain, Miss Desiree, pero makakalimutan mong kumain." si Margaux. "Kasi nga, nauumay na akong kumain mag-isa." sagot ko naman. "Iyan lang naman pala, e di sumabay ka na lang sa amin kumain." suhestiyon nito. "Sumasabay naman ako minsan sa inyo a." sagot ko. "Minsan lang, hindi tulad namin na on-time kung kumain. Kapag nagkasakit k, pananagutan ka ba ng kumpanya?" si Farra. Napa-isip ako sa tanong ni Farrah sa akin. Kapag ba magkasakit ako mag-alala ba sa akin si Yeshua? Dadalawin kaya niya ako? Bumalik ang tingin ko kay Farrah saka sumagot. "Ipapagamot ako ng future boyfriend ko." nakangiti kong wika. "Sino? S sir Yeshua? Ayon o nakadikit kay Agatha." wika ni Margaux sabay turo sa dalawa na naglalakad. Madadaan kasi ang office namin ni Yeshua, kung sakaling lalabas o papasok ito. Kaya walang nakakaligtas sa akin kapag may pumunta o bisita si Yeshua. "Hayaan mo siya, sa akin parin ang bagsak niya." sagot ko na puno ng kasiguradohan. Hindi na sila sumagot pa bagkus tinignan lang nila ako na tila gusto nila akong sawayin at sabihan na tama na. Napayuko nalang ako sa sahig habang pilit kinukubli ang sakit at lungkot na nadarama. Naka-tatlong slice lang ako ng pizza saka bumalik na sa office ko na mabigat ang loob habang inaalala ang nangyari one week ago. "Saan na si Desiree, bakit hindi pa tapos itong flyers natin para sa bagong condo? At saan na ang taga-advertising staff para sa ipapagawa nating ads? Ano na?! pasigaw na tanong ni Yeshua sa mga tauhan ko. Lumabas ako ng aking office para kausapin ito ngunit galit na mukha at salita nito ang samalubong sa akin. "What the hell are you doing, Desiree? Nagtatrabaho ka ba? Bakit hanggang ngayon hindi pa tapos ang pinapagawa ko?" singhal nito sa akin. "I'm sorry sir pero pinauna mo po kasing ipagawa ang pagma-matket online at ang pag-recruit ng tao para sa flyers at sa ahente natin." sagot ko sa kanya. "Hindi kaba marunong mag-multitasking?" magkasalubong natanong nito sa akin. "Marunong naman po sir kaso lang kulang lag talaga sa oras." sagot ko sa kanya. "Kulang ka sa oras, pero ang makikpaglampungan sa mga empleyado na lalaki may time ka." singhal nito sa akin. Napatingin ako sa kanya ng diretso na tila iiyak ngunit pinigil ko ang emosyong iyon. "Pasensiya na sir, my mistake." ani ko para matapos na. "The reason why I don't like because... because-hindi na nito tinapos ang iba pang sasabihin nito dahil ang pagtingin nito sa akin ng mula ulo hanggang paa ay sapat na. "Finish the flyers and contact the advertising agency now na para makapagpagawa na tayo." utos nito sa akin saka tumalikod. Nagsilapitan sa akin sina Margaux na tila iiyak. "Miss, I'm sorry. Lagi mo nalang kami sinasalo." ngumiti lang ako. "Gawin niyo na ang utos ni boss para hindi na tayo mapagalitan. Margaux ikaw sa advertising agency. David, ikaw sa mga flyers. At ako na ang bahala magmonitor sa mga dapat natin i-improve."wika ko sa kanila saka pumasok sa office ko. Pagpasok ko sa office ko ay napasandal ako sa hamba ng pinto at hindi ko napigil ang aking mga luha na nag-uunhang tumulo. I remember, he called me s-l-u-t.GABI na nang maka-uwi kami ni Grayton sa bahay nila. Hinintay pa namin kasi ang issuance ng wedding ring. Kaya heto, pagod at antok. Parang ayaw ko nang gumalaw pa. Suot ko kabibili lang namin kanina na nighties. Isang kulay brown at ang ganda sa balat ng tela. Napangiti ako habang dinadama ang kalambutang ng tela. Hanggang sa nakatulugan ko na at hindi alintana ang pagpasok ng isang tao sa loob ng aking kwarto. Maingat sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sa akin sa pagtulog. --------TATLONG araw na akong walang trabaho, dahil nag-resign na ako. Iyon naman ang gusto ni Yeshua, ang mawala ako sa kumpaniya niya. Ang mawala ako sa paningin niya. Kaya nandito lang ako sa condo ko, nakahilata maghapon. Naisipan ko din pala na nag-aaral magluto. Kahapon basang-basa ako dahil sa tumunog ang smoke detector at sumunod naman ang fire sprinkler. Imbes na magluto lang sa kusina ko, mukhang lulutuin ko pa ang buong building. Mukhang makukulong pa ako kasong arson. Mabuti at mabilis naman si
SINIKO ko si Grayton sa tagiliran kaya tumingin ito sa akin. Palihim kong ininguso sa kanya si Yeshua na nasa tabi nito at kampanteng nakaupo. Nilingon naman ni Grayton si Yeshua, ngunit bago pa man niya nilingon ang lalaki tinakpan niya muna ang aking bibig na nakanguso gamit ang kan’yang palad. "Isakandalosa ka talaga." nakangiting wika sa akin ni Grayton habang takip-takip ng palad nito ang aking bibig. "Akala ko, Bro, hindi ka puwede ngayon? Kaya hindi na kita pinilit kanina kasi sabi mo may trabaho ka pa." baling ni Grayton kay Yeshua. "Mahihindian ba kita? Minsan lang tayo nagkikita at isa pa kasal niyo ‘to." sagot naman ni Yeshua sa kaibigan. "O, yeah. Kasal namin ‘to kaya huwag kang mawawala. Ikaw ang isa sa mga bestman ko, Bro. H’wag kang mawawala.” nakangising wika ni Grayton at saka muling tumingin sa brochure. "Oh my god! Oh my god, Gray. Tignan mo ‘to." excited na wika ko kay Grayton sabay hawak sa braso nito. Habang nilalaput ko sa kanya ang brochure. Isang silver
NAGISING ako sa dahil sa ingay ng telepono na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa paanan ko. Pupungas-pungas akong bumangon at saka bumaba sa kama para sagutin ang tawag. Dinampot ko ang telepono mula sa cradle at dinala ito sa aking teynga. "Hello." sagot ko sa kabilang linya. "Good morning, Kamahalan. Bumaba ka na diyan at mag-almusal, 10am na po." si Grayton. "Paano ako baba wala akong damit pamalit." reklamo ko. "Damit right away, Kamahalan. Maligo ka na at ipapahatid ko sa katulong ang pampalit mo." anito. "Salamat, cuz." pasalamat ko."You're most welcome, Kamahalan." Pagkababa ni Gray ng telepono agad akong pumasok sa banyo para maligo. Buti na lang, kahit minsan lang ginagamit itong guest room nila may mga sabon, shampoo, at conditioner na nakalagay. Plus may disposable towel na nakalagay sa crystsl na cabinet. Ini-on ko ang heater at kasunod ang shower. Dahil sa nangyari kahapon kailangan ko ang warm water para naman ma-hot compress ang utak ko, baka kasi makalimut
FIVE YEARS AGO."Hija, araw-araw ka na yata na pumupunta dito sa bahay, dati kapag may okasyon at iniimbitahan ko kayo wala ka palagi. Okay ka lang ba? May problema ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Tita Yna sa akin ang mama nina Yannah at Yeshua. "Hehe. Wala naman po, Tita." nahihiya kong sagot. "Tapos, palagi kang may dalang bulaklak para sa akin ba talaga mga iyon?" nagtataka na tanong ulit ni tita Yna. Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Yannah. "Para po kay kuya ‘yon, Mom. Nanliligaw po kasi siya kay kuya." walang pakundangan sa wika ni Yannah sa ina at ako naman ay napalingon sa kanya. Sarap tahiin ang bunganga. Nahihiyang napayuko ako ng ulo dahil ayokong ipakita ang namumula kong pisngi. "Mag-aral muna kayo at magtapos. At kapag nasa tamang edad na kayo saka mo ligawan ang panganay ko." wika ni tita Yna sa akin at batid kong nakangiti ito. Nakayukong tumango ako kay tita Yna habang si Yannah ay tawang-tawa. Saka lang ako umangat ng ulo ng umalis na si tita Yna. Nang
“ROYALTY.” nang-uuyam na wika ni Yeahua kay Grayton.Masama ang tingin na pinukol nito sa akin at saka humakbang palapit sa babae niya. Ako naman ay nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. Lumapit sa akin si Grayton at umakbay sa akin."Pinagpalit mo ako diyan sa damuhong lalaking ‘yan, buti na lang marunong akong tumanggap ng pagkatalo at pinaubaya kita sa kan’ya. Ikaw ba, tumatanggap ka ba ng pagkatalo?" tanong sa akin ni Grayton saka iginaya ako papalapit sa kotse nito."Tumahimik ka na nga. Pinapamukha mo lang sa akin ang mali ko, e. Pero nagpapasalamat ako sa’yo, dahil sa tulong mo sa akin ngayon." sincere kong wika lay Grayton saka tumingala para tignan ito sa mga mata. "Don't worry, you're going to be my cousin now. At wala akong balak lokohin ang pinsan po. Mahal ko ‘yon." pagtatapat ni Grayton na ikinatuwa ko naman. "Dapat lang na mahalin mo siya, dahil malaki ang angkan namin at siguradong tutugusin ka naming lahat." pabirong banta ko kay Grayton.
"THREE years ago, pinagkasundo ako ni daddy kay Grayton, but that case is solved. Kaya imbes ako sa pinsan ko na siya pinagkasundo." sagot ko kay Yannah. "Ang nakalap mong balita ay lipas na, hindi ka p’wedeng maging tsismosa." dugtong ko pa. Napapadyak ng paa si Yannah ng marinig ang sinabi ko at tila naiiyak na naiinis. "Kainis ka naman, paraan na sana ‘yon para makuha mo si kuya. Ang gamitin si Grayton para pagselosin siya tapos, na wow mali pala ako. Kagigil."wika ni Yannah na parang bata na nagpapadyak. Kaya napatawa ako. "Akala ko ba hahanapan mo ako ng lalaki? Bakit nanggigil ka diyan? Tapos gagamitin mo pa si Grayton para pagselosin si Yeshua. Akala ko ba pinapatigil mo na ako sa panliligaw ko sa kuya mo?" ani ko pa. "Hey! Tss. Nakakainis lang talaga si kuya. At isa pa boto ako sayo e." ani pa niya saka lumapit sa akin saka umangkla sa braso ko. "Minsan napapisip ako." "Na ano?" si Yannah."Dapat siguro ikaw na lang ang ligawan ko." ani habang pilit iniipit ang pagtawa.







