"Oh sige, tama lang naman na sundin ka uncle. Marunong naman ako maghintay ng ilang araw." Ilang araw? Kung gano'n mas mapa-aga pa ang kasal? Matapos sabihin ito ni Lui nagsitahimik ang lahat. Seryoso na kumain sa hapag-kainan. Ngunit, kami ng mga kuya ko ay walang ganang kumain. "Kumain ka na kailangan mo mag-ipon nang lakas. Dahil balang araw ay mapapagod din kita sa ibabaw ng kama," lakas loob na wika muli ni Lui. Wala na yata siyang ibang maisip kundi ang walang kwentang kalaswaan niya sa akin. "Ikaw... Kanina ka pa, ang dumi ng isip mo! Wala na bang laman ang isip mo kundi kabastusan?!" galit na tumayo si kuya Julian. Mabuti na lang at nahawakan siya agad ni kuya Jayson para pigilan. "Sit down." Tipid at seryosong tugon ni Dad. Hindi na sumuway pa si kuya Julian. Ngunit, galit pa rin siya. "Sinasabi ko lang ang totoo. Doon naman kami mapupunta pagkatapos ng kasal 'di ba? Kaya walang mali sa sinabi ko. Ayaw niyo bang maging healthy si Grace bago namin gawin 'yon? Kasi kung
Read more