Galit na tumayo si Sison. Ngunit, nakangisi lamang si Lui. Sabay-sabay na rin tumayo sina Jackson. "Let's go." Malamig at seryosong tugon ni Sison. Agad naman na sumunod sina Jackson. Hanggang sa makalabas sila sa opisina. "Ano ba ang pinagsasabi mo Lui? Ano ba ang ginagawa mo? Wala naman 'yan sa mga pinag-usapan natin. Hindi kakalabanin ng Cruz Family and Santiago Family. Kaya ayusin mo ang mga pinaggagawa mo." Galit itong sinambit ni Alexander kay Lui. "Dad, walang mali sa ginagawa ko. Magtiwala ka lang sa akin. Hindi ko naman idadamay ang apelyido niyo. So, don't worry," nakangising aniya ni Lui. "Hay naku! Lucia, ayusin mo nga ang anak mo. Sakit sa ulo ang ginawa niya." Labis na nanggigil si Alexander kay Lui. "Pshh... Bata lang siya, nagkakamali. Alam naman niya kung ano ang ginagawa niya. Totoo rin naman ang mga sinsabi niya. Kaya huwag ka na magalit," pagpapakalma ni Lucia kay Alexander. Gayunpaman, galit lamang na umalis si Alexander. GRACE POINT OF VIEW Dahil ma
Read more