Matapos maayos ang hapag-kainan tinawag na rin ni Jeff ang mga bata. Masaya naman silang dumating. "Hi Juliana," nakangiting wika ng batang lalaki sa anak ko. "Hello Daryll, nagkita na tayo ulit," nakangiting tugon din ng anak kong si Juliana. Sa kaka-alam ko kanina hindi naman nagpakilala ang batang lalaki kanina. Pero Daryll pala ang pangalan niya. Kaso lang paano nalaman ng anak ko? "Daryll kilala mo na ang mga kapatid ko 'di ba? Tapos mga kapatid ko, mommy, daddy si Daryll po pala. Bagong kaibigan ko na rin po siya dito. Mabait po siya," proud na proud na tugon ni Juliana. Nakakatuwa naman na malaman na may naging kaibigan na ang anak ko dito. "Hello Daryll, mabait din kaming mga bata kaya gusto ka rin namin maging kaibigan," wika pa ni Gia. Dahilan na mas lalo kong napangiti. Marunong silang makipagkaibigan sa ganyang edad nila. Ang naalala ko noon sa park may naka-away silang batang lalaki. Si Dustin yata ang pangalan. Nakalimutan ko na rin. Basta naalala kong pamangk
더 보기