"Kuya, nandito ba si dad?" mahinahon kong tanong. Syempre, gusto ko rin makita ulit si Daddy. Kaso lang nahihiya ako. "Kuya, sa tingin niyo ba? Matatanggap pa ba ako ni Dad?" "Bakit naman hindi? Tanggap ka nga namin ng mga kapatid mo, si Dad pa kaya? Of course tanggap ka pa rin ni Dad. Sa totoo nga, hinihintay ka ni Dad na magising. Excited siya na makita ka ulit na maayos ang lagay mo." Dahil sa sinagot ni kuya Jayson lumuwag ang pakiramdam ko. Masaya akong makita si Dad ulit. "Gusto mo bang puntahan natin si Dad?" nakangiting tanong ni kuya Jayson. "Opo, gusto ko siya makita," natutuwang sagot ko. Ngunit, gayunpaman, narito pa rin sa puso ko ang kahihiyan na ginawa ko. "Julian, Liam dito muna kayo. Asikasuhin niyo muna nag mga bata. Kami na muna ang makikipag-usap kay Dad," seryosong utos ni kuya Jackson. "Huh? Bakit? Hindi ba kami pwedeng sumama?" pagtataka ni kuya Julian. Ganun din ako. Bakit hindi pwede? Sila na rin naman nagsabi na maayos na ang lagay namin rito ng mga
Read more