"Bakit Jeff? Anong meron? Bakit ka gulat na gulat?" aniya ni Julian."Nakikita ko ngayon ang location ni Grace. Mukhang sinadya niyo itong i-share sa atin. Masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan niya ngayon. Ang tigas ng ulo niya, lumabas siya sa bahay ng hindi man lang pinaalam sa atin."Punong-puno ng pag-aalala ni Jeff."Oh 'di ba? Hindi ako nagkakamali, mali nga ang ibinigay sa atin ni Lui. Kaya ibig sabihin ng shared location ni Grace na 'yan. Gusto niyang sundan natin siya. Kaya, huwag na tayo tumuloy sa lugar na binigay sa atin ni Lui, malamang mapapahamak lang tayo doon," muling wika ni Liam. Agad na pinaatras ni Jayson ang takbo ng sasakyan. "Sige na, Jayson tingnan niyo sa cellphone niyo 'yon ang sundan natin." Seryosong saad ni Jeff. Walang alinlangan naman na sumunod agad si Jayson. Dali-dali nga nilang sinundan ang location kung saan mabilis na umaandar ang sasakyan ni Grace. "Malayo pa si Grace sa atin. Saan ba talaga siya pupunta? Talaga bang pupunta siya kay Lui? Ha
Read more