"Sige, susunod na kami," sagot ko. Tumalikod si kuya Jackson. "Liam siguraduhin mo na madadala mo si Jeff ah. Kapag hindi sa akin ka talaga mabubura," pananakot ko sa kaniya, agad naman siyang tumango bilang sagot niya. "Oo alam ko anak gagawin ko. Sige na, bilisan na natin," aniya pa niya Kalaunan ay dinala nga ni kuya si Liam. Samantalang kami ni Jayson ay nagtungo sa kwarto. Nang nasa kwarto na kami. Nakasilip lang kami sa bintana upang tingnan kung ano talaga ang gagawin ni kuya Jackson. Hanggang sa makita namin silang naglakad papalapit sa gate. "Anong ginagawa niya? Makikiusap siya na palabasin si Liam? Kapag malaman 'to ni Dad, malamang malalagot talaga siya. Ikaw Jayson wala ka man lang gagawin para pigilan siya?" tarantang tugon ko. "Hindi ka nga pinakinggan ako pa kaya? Magkatulad sila ng ugali ni Dad. Kaya kapag nagdisisyon si kuya mahirap din hindi sundin." Umalis si Jayson sa tabi ko, nagtungo siya sa upuan at seryosong umupo. "Kung ganon, wala ka talagang
続きを読む